21 Replies

Hello! Listen mommy. I was an elementary and a high school valedictorian, a cum laude. Last June 2019 lang ako grumaduate and my baby was conceived last September 2019. Since I am working on different sites, di ako nakauwi sa bahay namin for straight 6 months due to work. Malayo ako sa pamilya ko and I had to keep it a secret. Dahil obviously mataas expectation nila sakin, sobrang hirap kasi every single day maiiyak ka, makokonsensya na hindi mo masabi sa kanila. Stressed ako and humina resistensya ko. Until nag 6 months nako, sinabi ko sa sarili ko need ko na sabihin at umuwi dahil hindi na papaliit pa ang tiyan ko. As what I expected, nung iniwan ko yung ultrasound sa bahay because I was too nervous, I got ton of messages. Sobrang sakit na mga messages which I think I deserved. Knowing na ayaw din ng parents ko sa daddy ni baby. To the point na sinabihan ako na "Maging bente man anak nyo hindi ko kayo matatanggap" And from there alam ko na na hindi nila ako matatanggap ever. Growing up kasi my parents were very strict when it comes to boys. Maniwala ka man o hindi, wala pang one month after that, i got a chat from my father na umuwi na daw ako. I gave it a try, in a snap hindi ako makapaniwala sobrang nagiba ang hangin. From my first day sa bahay inaalagaan nila ako, pinakain, binilan ng vitamins and even suggesting names for my baby. Kung anu ano sinesend saking mga gamit for baby, sila na daw sa crib, car seat etc. Grabe, until now di ako makapaniwala. Totoo nga you'll never know what will happen next hanggat di mo pa nasusubukan. Kaya mo yan sis! Makakaraos ka din ❤️ Just pray and let God be in control.

i love your story. tama ka.. una lang yan, sino ba makakatiis sa apo nila lalo kung mahal na mahal nila ang anak nila. 😊

Same here mommy. Super higpit din ng daddy ko kaya ginawa ko sa lola ko unang sinabe kase ung mama ko nasa ibang bansa. Nasa side kase ako ng lola ko then dun na natutulog ung boyfriend ko sa bahay namen di alam ng papa ko na samen sya natutulog kase magkaiba kame ng bahay may sarili na syang pamilya graduating din ako ng shs ngayon. pero nilakas ko loob ko kase nahahalata na din ng lola ko na hindi nako dinadatnay 3months na. nagpt ako nagpositive pero diko pa sinabe sa lola ko at sa bf ko that time. Tas nanghihingi ako ng advice sa mga kaibigan kong may anak na masama patagalin or itago na preggy ka sis kase angel yung nasa sinapupunan naten😊 kaya inamin ko sa lola ko at sa bf ko na buntis ako nag take ulit ako ng pt then pinakita ko sakanila. medyo lumuwag pakiramdam ko kase mas naintindihan nila ko pero di ako ung mismong nagsabe sa daddy ko na buntis ako ung lola ko naging way para malaman nya nasa tamang edad nadin naman ako na dissapoint lang sya saken pero natanggap nya din ako now tinitulungan nya ko kahet may work ung asawa ko tumutulong sya sa gastusin namen 😊 now im runing 7months pregnant😊 kunting tiis nalang masisilayan kona ang angel ko. Sabihin mona mommy baka ung eneexpect mo na maggalit sila sayo is baliktad baka maintindihan ka nila kase ung nararanasan naten ngayon naranasan din nila noon alam nila ung feeling lagi mong iisipin si baby mo. Kung magalit man sila natural un pero promise mommy di ka nila matitiis at sila pa unang tutulong sa kalagayan mo😊 godbless mommy kaya mo yan pray lang si baby lagi isipin wag monang patagalin 😊💕

Been there na rin. Ako kase working na kaso against lang siya sa religious belief ng family ko. Nalaman nalang nila 7months na tiyan ko. Iniwan rin ako ng naka buntis sakin. At first sobra takot ko sa papa ko dahil laking disappointment talaga ng nangyare. One on one talk na kami ni papa ang sabi niya lang sakin, wag mong solohin problema mo kaya nga nagbigay ng magulang ang diyos para gumabay sa pagkakamali ng anak, nagkamali ka pero kami lang rin ng pamilya mo ang tutulong sayo. Lahat yun tagos, before ako lang mag isa nag aalaga sakin ngayon buong pamilya ko Di ako pinapabayaan. Sorry napahaba.

Aww 🥰 ang tagos nga ng sinabi ng tatay mo mommy. Nakakaiyak 😭

hello sis, ify. as of now di ko pa nasasabi sa father ko. pero mama ko, alam na niya. mag 3 months na kong buntis. Di ako makauwi-uwi dahil sa lockdown. Inaasahan ko na rin na magagalit father ko sa akin. sobrang strict ng papa ko, alam kong pag uwi ko at masabi kong buntis ako... alam ko sa sarili kong magagalit yun, magtatampo. Pero kayanin natin yung galit ng parents natin. Darting dn ung time na matatanggap nila yan. after all, apo pa rin nila yan. Wag mastress mamsh. Isipin mo lagi dinadala mo. Laban lang tayo. ❤️

Mas okay ng sabihin mo hanggat maaga pa kesa patagalin mo pa, sa una magagalit talaga sila, tanggapin mo kung anong masasakit na salita sasabihin nila sayo, maniwala ka hindi ka matitiis nyan, oo magagalit sa una pero paunti unti matatanggap din nila yan :) Patunayan mo nalang na kahit may baby ka na hindi parin don matatapos ang pangarap mo. Patunayan mo na kaya mo parin sila tulungan

Lakasan mo loob mo ate sorry pero naging choice mo rin yan. Hindi mo rin maitatago yan buong buhay mo sa pamilya mo. Sabihin na natin nagkamali ka pero wag mong dagdagan ng isa pang Mali if you know what I mean to make your image good. Once na ma let go mo yan sa fam mo rest assured magiging magaan ng konti pakiramdam mo.

Hello! Been there and done that. Young mom din aq before. Nkakatakot tlg magsabe pero nid mo e kesa sa iba nila mlaman. Ska tama sila tanggapin mo nlng din un galit nila sympre ndi nila gusto un nangyari pero since andyan na yan matatanggap din nila yan at ndi ka nila matitiis. God Bless and kaya mo yan..

typo. maniwala hahahahaha.

VIP Member

sbhn muna po para atlis mawala na ung stress mu. mag tatapos ka nmn e saka ginwa mu nmn laht para maka grad. sa una lang nmn magagalit un pero pag nakita na nia c baby mu mawwla na ang galit nia walang nanay ang makakatiis sa anak.mas mabuting sau mangaling kesa sa iba pa nia malaman

Initial reaction naman talaga na magagalit sila..madami ka maririnig na masakit na salita pero wag mo na lang dibdibin kasi mastress ka pa bawal yun sa nagbubuntis.. basta learn your lessons na lang.. magset kayo ng goals nyo ng bf mo lalo maging pamilya na kayo.. simulan nyo don sa tama..

hays thank you po natatakot po kasi talaga ako

Mas masarap sa feeling kapag di tinatago ang pagbubuntis sa pamilya. Been there! Pa-graduate nako ng college nung buntis ako. 7 months na tiyan ko nung umakyat ako stage. Ako din una nakapagtapos samin. Di naman sila nagalit, natuwa pa sila kasi blessing ang baby :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles