Extended Community Quarantine
Nahihirapan nako lalo ngayun na extend pa tong lockdown. Nung una okay pa, may naitabi kaming pera para sana sa birthday ni lo na nagastos na sa diaper and other needs niya. yung formula niya diko masiado inaalala since mixfeed naman siya and nagsosolids na. Kaso ngayun na naextend pano nalang? yung maliit na business namin na inaasahan sarado na, yun lang pinagkakakitaan naming mag asawa tapos ganito pa. Hindi din naman sigurado kung makakakuha ng 5-8k na ayuda galing sa gobyerno. Nakakabaliw na to the point na iniiyak kona lang sa gabe kase wala talagang magagawa. Napakahirap.???