25 weeks pregnant
Nagwoworry po ako mga mhie kase madalas pag tanghali sobrang init talagang nahihirapan akong huminga parang nagpapalpitate ako. Yung parang naka inom ka ng isang litrong kape. Meron ba akong kagaya?
2 Replies
Latest
Recommended

Magsulat ng reply
Madalas akong ganyan sa tanghali at madaling araw, kapag sobrang init, bukod sa mabigat na yung tyan ko yung feeling na kabuwanan ko na pero July pa ung duedate hehe. Yung tipong parang nakulob sa kwartong walang hangin. Ang gnagawa ko umiinom ako ng malamig na malamig na tubig, at yung nakakatulong sakin kapag nagpunas ako ng basang bimpo gamit yung malamig na tubig, dun lang ako nagiginhawaan.
Magbasa paRelated Questions
Trending na Tanong