40 Replies
Nagkaganyan din baby ko sis. I asked her pedia about it normal daw yan sa baby and it will go away pero nagbigay pa din siya prescription para ipangpahid sa rashes. Hormone daw kasi natin yan mga nanay na namamana pa nila at hormone pa natin gumagana sa kanila pag newborn sila as per my pedia.
normal po yan, as per pedia ni baby, nagaadjust pa daw kasi si baby sa outside world and effect daw po yan. onti onti pong mawawala yan. punasan nyo lang po ng maligamgam na tubig para malinis, minsan sa init lalong namumula or nagmumukhang lumalala. pero normal po yan
try mo sis dove top to toe, tas twice or higit pa palit mga pamunas nya pag dede, beddings, at damit. anything na gamit na napupunas sa skin ni baby need palitan .. towel nya sis as much as possible single use lang .. sensitive kasi sila . sacrifice sa laundry..
Mamsh s bby gnun din noon try mo novas soap mamsh 125 lng un unsciented cxa wlang amoy effective yan i ilagay mo s body ni baby at face mamsh pg bathing time nya na wag mo kamayin mamsh ung mismong soap lng direct mo ilagay s knya.
Normal yan mommy ganyan din sa baby ko.. Lumabas lang po yang mga rashes nya. Nag papalit ng balat... Nawawala namna pagka 2 months na... WLa yan sa mga sabin nya mommy its normal po talaga yan
ganyan din po dati baby ko ilang days palang sya nasa ospital pa kme sabe ng pedia nya sa alikabok daw po yan kaya dapat araw araw maligo si baby..awa ng Dios nawala naman po ng kusa
Yung breastmilk nyo po mommy ipahid nyo sa rashes ni baby kasi nagkaganyan din baby ko pero nawala rin naman nung lage kung nilalagyan ng breastmilk ko.
Nag ganyan dn si baby ko ang pinapahid ko sakanya is Yung breast milk ko at ilagay sa bulak araw araw ganyan bago maligo kikinis po muka ng baby nyo
Normal lang yan mommy. Nag aadjust kasi ang skin ni baby at mawawala din. Pero if tingin niyo po iritable si baby, pacheck niyo po sa pedia.
mawawala din yan mommy araw araw mo lang paliguan si baby at pagkahapon punasan niyo po ng mineral water po ilagay niyo po sa bulak
Diana Jane Santos - SanJose