Naniniwala ba kayo sa aswang/tiktik?No to bashing please … worried lang ako . kada 3am na lang kasi
Nagsimula ito 2 weeks ago, currently 19 wks na si baby ko sa tummy … Province namin ay Nueva Ecija , sentro naman dito sa amin pero dulong bahay and madaming puno sa paligid (see picture of tree na katabi ng kwarto ko sa 2nd floor) Na papansin namin every 11pm-12am tumatahol yung alaga naming aso sa bahay ,which is before ako ma preggy hindi naman , to think dulong bahay na kami so hindi talaga daanan dito sa amin. And I’ve experienced 2 times na makarinig ng magkaibang sound na neto ko lang narinig. First time(a week ago) : Tok-Tok-Tok-Tok (2 times very subtle lang) Time: 2:50am Grabe yung kaba ko mga maamsh , tapos sabay pa na si baby ko parang uneasy sa tyan ko … 2nd time: (nung isang gabi lang ) Tik-Tik-Tik-Tik (Hindi po siya tunog ng butiki dahil iba yung mismong sound niya sa personal) Time: mag ti 3 am din Tumatahol yung aso namin na parang May hinahabol , then pati sa kapitbahay. Then kagabi, around 2:50am tumatahol nanaman aso namin , nawala sandali then saktong 3 am Meron nanamang tinatahulan, Mabilis ako magising momsh sa simpleng kaluskos lang or tunog, lalo na nararamdaman ko si baby sa tiyan ko na galaw ng galaw pag ganung oras . May bawang at asin na kami both sa bintana , then may bawang sa mismong damit ko sa bandang pusod … Does anyone here experience the same ? Paano ninyo po shinoo away yung mga ganyan , nakakapraning kasi ! 🥹 TIA❤️
First time mom!✨?