Nagpalit ako pansamantala ng ob dahil hindi pa ako makauwi kung saan talaga ako nagpapacheck up. Nalaman rin na may UTI ako. Naloka ako sa dami kong kailangan inumin.
Obimin na 2x a day
Calciumade 2x a day
Hemarate 2x a day
Altacef (UTI) 3 x a day
Yung sa dati ko namang ob tig isang beses lang ang iberet at caltrate. Kaya hindi ko alam susundin ko kung ilan iinumin ko gawa rin ng kailangan magtipid dahil walang trabaho kinakasama ko.
Ang order naman po ng pag inum ko ay
Morning - obimin, altacef.
Afternoon - iberet (ubusin ko raw muna yung gamot ko dati kaya isang beses ko lang inumin muna) altacef.
Evening - caltrate, obimin, altacef.
Pag naubos pa yung gamot ko sa dati kong ob hindi ko na alam saan ko pa isasaksak yung isa pang caltrate at hemarate. Diretso inom rin po mga yan di ako naghihintay ng oras bago isa. Pag katapos ng isa sunod ko na agad isa ko pang iinumin. Okay lang po ba yun?