Posterior low lying placenta
Nagpa ultrasound po ako kahapon sa clinic tapos ang diagnonis po ng sonologist ay mababa daw po ang aking placenta.. ano pong magandang gawin?
Hi mami wag ka masyado magworry may pag asa pa yan tumaas. Ako kasi twins, low lying ans placenta previa pako dun sa isa, so iwas mabigat na gawain ako. Awa ng diyos ngayong 31 weeks, okay na ko. Tumaas na daw.
same tayo mommy 18wks with posterior low lying placenta grade 1. bed rest lang, iwasan magbuhat ng mabigat, matagtag, vigorous activities, at sexual contact. sabay niresetahan din ako ng pampakapit for 30days.
Ang alam ko po di na po yan mababago,reresetahan po kayo ng pampakapit tapos bedrest lang kayo. Wag niyo na po pilitin gumalaw or gumawa ng gawaing bahay kase high risk po kayo.
Bed rest mi wag masyadong mag gagalaw. Nagka ganyan din ako sinunod ko lang si OB tataas pa naman po yan dont worry. Sa ngayun okay na placenta ko and 38w na din waiting na sa paglabas ni baby ☺
Ganyan din po ako dati. Advised ng OB mas okay kung bedrest muna. Pag lumaki na si baby, kusa pong tataas ang placenta. Nung nasa 20weeks na ako tumaas na po placenta ko. 33 weeks na ako now.
Hi mhie same po tayo. On my 14th week, posterior placenta os Grade II naman din sakin. On my 16th week now. Sabi lg ni ob no strenuous activities and no sex. Wala rin syang binigay na meds.
Maaga pa mi.. Ganyan din saakin. Pero nung 32 weeks ko. Nag fundal na ung placenta nasa taas na. Ang galing nga eh. Siguro nag reready na si baby lumabas. 33 weeks na kami.
normal lang yan kasi nasa 15weeks kapa naman unti unting tataas yan ganyan din ako nong 20weeks ma baba pagka 24weeks nasa taas na kaya wag mg alala
same case sis . low lying placenta .. pero check ulit nxt ultrasound ko kung mataas na sana . tumaas na ng wowork pa nmn ako
same here mommy, kaka 16 weeks lang namin now ni Baby and low lying placenta din ako. Pray lang tayo ng pray mommy.