Gender reveal

Nagpa-ultrasound ako at kasama asawa ko. Nun nalaman namin gender ako syempre naging masaya kasi sakin girl o boy man wala problema. Pero ung asawa ko nun nalaman nia na Boy ang gender ung reaction nia hindi sya masaya. Kasi ung panganay namin ay boy tas ito ngaun sa 2nd boy na naman. Ako nasaktan ako sa reaction nia kasi hindi sa malungkot kundi inis ung nakita ko na reaction nia. Tas simula nun hndi na nia hinahawakan tummy ko, pagtulog naka distansya na sya sakin. Ang sabi na lang nia magsimula na dw kami mag-ipon ng pangpyansa kasi lalaki na naman. Ung mindset nya kagaya ng mindset ng nanay nia. Ayaw kapag lalaki ang anak. Anung magagawa ko ito binigay samin ni god Panganay lalaki at ngaun sa 2nd baby namin lalaki uli. Para sakin blessing samin ni God anak ko. At mahal ko sila.

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kagabi naiyak na lang ako. lahat kasi sila nag-expect na girl. kesyo bilog daw tyan ko, hndi ako maselan sa pagkaen kahit anu kaen ko.hindi ako ganun ka-haggard,walang masyado pimples at acne. unlike sa panganay ko na naging pihikan ako. tas patusok tummy ko nun. at subrang haggard ko nun t tadtad ng pimples at acne. Kesyo manginginom naman dw kapag lumaki kasi lalaki na naman. bat sila ganun mag-isip. 😢

Magbasa pa

yung sa akin naman mii gusto ng hubby ko boy pero ung nagpa gender reveal kame at nalaman niya na girl nakita ko dissapointment sa mukha nya pero isang araw nagulat ako lagi syang nakahawak sa tiyan ko at panay ang tanong nya kung may heart beat pa raw ba ang baby sa tiyan ko hanggnag sa naipanganak ko mii nakikita ko ung saya sa mukha nya. lalo na pag sya ang magpapalit ng diaper ni baby.

Magbasa pa

ang pangit nmn ng mindset ng asawa mo, nasa pag papalaki yan kung magiging mabuting tao o hindi ang anak nyo. kung di pa na lalabas baby nyu ganyan na sya ang panget naman🙄🙄 baby pa sya tas ang ama nya ganyan na agad pinapakita tsk tsk. kung gusto lumakinh mabuting tao anak nya mag umpisa kamo sakanya, baka kung ano pa ma tutunan sakanya ng anak nya... sori sis. ✌️

Magbasa pa

Poor mindset naman po. Pa-realize mo na hindi lahat ganun. Look at The Capinpin Brothers. Sobrang mahal nila ang Family nila, esp their Parents. Naniniwala ako na nasa Magulang yan kung paano mahuhubog ang mga anak. It's our responsibility. Kaya kung ngayon pa lang, yun na nasa isip niya, malamang panget pag papalaki sa kanya ng Parents niya.

Magbasa pa

and sakin din ganyan. pangalawa asawa ko na ang mister ko now.. kumbaga ngayon panganay namen lalaki tas buntis ulet ako lalaki ulet ang gender. i know he wants a baby girl na din. pero hnd ganyan reaksyon at attitude nya nung boy ulet baby namen.. masaya pa din sya. at mas importante pa din saknya/samen na healthy ang baby.. 🙏💙

Magbasa pa

Ang sad naman nyan mi. Samin naman ni mister gusto sana namin girl kc nakakadalawa na kaming boy. Eh ano magagawa natin yun binigay ni God,ang importante anak nya yan. Ayaw nya nun may magdadala ulit ng apelyido nya. Ako kc may anak din sa unang asawa 2 boys din sabi nga nila kumpleto na ang team ako lang talaga ang reyna nila.

Magbasa pa

sad naman po yan Mie , ung asawa ko ok lang kahit lalaki or Babae ung gender ng anak namin, 16 weeks preggy ako ngayon, Pero hindi pa namin alam kung anong gender ng pinag bubuntis ko ngayon ,kasi ung panganay namin is lalaki, ako naman gusto ko girl Pero kapag anong binigay ni papa god tatanggapin ko ng Bou .

Magbasa pa
1y ago

buti ka pa mii. Sya talaga nag-expect na girl. Mas gusto nya girl maging baby namin.

sa amin kahit girl si baby namin, Okay lang daw sa kanya basga healthy baby namin. atleast may prinsesa na daw sya. hehe. pero Paliwangan mo na lang yung hubby mo sis. bakit naman pangpiyansa agad hehe. ganun ba mga kapatid ng hubby mo hehe. Masama yun nafefeel at naririnig ni baby yung mga sinasabi natin tungkol sa kanya.

Magbasa pa

naku nakakainis at nakakalungkot naman yung ganyang reaksyon ng mister mo.. tsaka para sakin lang miiii sisihin nya sarili nya kase male ang cells na nilalabas nya.. base yan sa napanuod ko sa vlog ng doktor.. tsaka sana maging happy na lang sya dahil nabiyayaan ulet kayo ng baby at kung anong gender pa man yan.. haaays..

Magbasa pa

ako gusto ko sana boy na ung next kaso pang 2nd girl na binigay sakin. medyo na dismaya ako kase gsto ko sana boy naman pero ok narin ang girl basta healthy🥰 pag nawish ka tlaga ng boy ibibigay sayo girl pag girl naman ang wish mo ang ibibigay sayo boy.🤭