Mucus plug or normal after IE?
Nagpa IE ako kahapon sa midwife samin sa center/hospital. 5 pm. 4-5 cm na daw ako pagkalabas ng daliri nya may dugo. Hanggang sa umuwe ako samin may brown discharge panty ko. Ayaw maniwala ng OB ko na 4-5 cm na ako dahil hindi daw ako naglalabor. Baka 3 cm pa lang ako. Pag kagising ko kanina meron pa rin brown discharge. Naglakad lakad ako pagkagising 30-35 mins tapos pagka ihi ko lumabas yan. Sabi ng mama ko " Wala lang yan " Normal lang po ba? Hindi pa rin po sumasakit tyan, puson at balakang ko po.
Mucus plug na yan lalo na at 4-5 cm kana... dapat di kana pinauwi... careful ka kasi ako bigla nalang ako nanganak na walang pain or pag hilab or paninjgas ng tyan.. bigla nalang ako naka feel na gusto ko mag popo... anjan na pala ang baby sa pwerta ko... hindi ako naka feel ng pag panigas until sa labor room kaya tinulongan na ako ng midwife para ma push ang baby... pati yung OB akala nya nag iinarte lang ako kaya nagalit sya bakit gusto ko mag popo na hindi pa naman pwede mag push... kaya na shock sya na ang baby na pala yun.. na gulong-gulong buhay toloy sya
Magbasa paSame sis, pagka IE din sakin, kinagabihan may brown discharge na lumalabas hanggang umaga kaya worried ako. Then nabasa ko sa post ng isang OB-Gyn page blood daw na na stock sa loob yan, diba ang blood daw pag nagtagal nagiging brown. Ibig sabihin daw nyan nag soften na si cervix.
Ganyan din po ako nung pag IE saken nung wednesday , until now may dugo parin . Nagtanong ako sa OB ko sabe normal lang daw dahil open na cervix ko , wait ko daw maramdaman ung contraction na sunod sunod . Wala pa naman ako nararamdaman kaya hindi muna ako nabalik kay OB .
Same mamshie , gusto ko na nga lumabas si Baby kaso ayaw pa ata nia . 😔
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-2003396)
Magready kn mamsh pwde kn mnganak pag gnyan.. save your energy kain k bagi k pmta ng ospital saka inom k mdmi water.. d n nla iaallow n kmain at uminom.. matuĺog k if possible..
Normal after IE momsh. Nag ganyan din ako noon. Itinawag ko pa sa OB ko. Pero sabi mya thats normal. Pag sunod sunod na contractions dun mo na need pumunta ospital.
Ako hindi ako nakaramdam ng labor. Hindi ko nga alam na pumutok na ung panubigan ko e. Akala ko na iihi lang ako. Be ready na po. Anytime pwede ka ng manganak.
Ako ng sis 1CM pa rin hanggang ngyon pero may nalabas na nadugo ska sumasakit na ung tiyan ki akala ko nasa 4-5cm nako pagcheck ng OB sakin 1CM pa rin..
signs na po sya ng labor. 4cm nga is considered na as active labor and like sa eldest ko, I was only in active labor nung tumungtong ng 8cm.
Hindi pa po ako naglalabor. Kaya ayaw muna ako papuntahin sa hospital ng OB ko. Kapag naglalabor na ako saka daw po ako pumunta.
Wag na po kumain Ng heavy meal bka mahirapan po kayo manganak .. malapit na po Yan mamsh congrats 😍
Mama of 1 active superhero