Need Opinion and Comfort- 4 Months and 1 Week Pregnant

nagpa-check up po kami last Feb 15, normal nman po lahat ng result pati heartbeat ni baby... tapos yung misis ko lumala yung plema nya sa lalamunan na naging sanhi po ng sore throat ilang araw po sya ubo ng ubo ng malakas... tapos kanina bumalik kami sa ob-gyne (Feb. 22) para komunsulta ulit, normal nman lahat kay misis pati lalamunan nya namumula lang daw... kaso nung kay baby na yung iche-check, yung baby po namin wala nang heartbeat sinabihan kami ng dra. na magpa ultrasound para ma-double check pero no heartbeat na po talaga... sabi balik daw ulit kami sa Feb 24 or 25 para magpa-ultrasound po ulit. Tanong ko lang may chance pa po ba na bumalik yung heartbeat ng baby namin? may nakaranas na ba ng ganun dito? gusto sana magpost dito ni misis para magtanong kaso iyak na sya ng iyak kaya ako na inutusan magpost. simulat sapol kasi dito namin chine-check sa application na to yung development ng baby namin, natutuwa kami sa mga baby at nacu-cute-an kapag nakikita nmin post ng ibang mommies, nalulungkot naman kami kapag nakakabasa kami ng mga nakukunan. Pa-comfort nman po at paki-motivate si misis para mabasa nya sa comment... Medyo sinisisi nya na kasi sarili nya baka daw maypagkukulang sya at maling mga ginawa kahit na sobrang pag-iingat at pagmamahal ginawa namin sa baby namin. First baby po namin. Salamat po at God Bless po sa lahat.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy... Think possitive po tayo lagi... Wag mo po stress ang sarili mo... Sabi nga po ni doc may next ultasound ka pa po... Laban kang mommy... Hugs and kisses po sayo😘😘😘... Pray din po... Malakas ang kapit natin sa taas mommyπŸ™πŸ™πŸ™