Nabuntis ng Sundalo

Nagkaroon po akong nang boyfriend na sundalo at nabuntis niya ko. Nung buntis na ko late ko na nalaman na may asawa na pala siya at isang anak dahil may isang concern na kasamahan niya ang nagsabi pero too late na dahil buntis na nga ako. Hindi ko talaga akalain na may asawa na pala siya kasi sinearch ko pa fb niya at wala man lang bahid na may asawa na, wala rin siyang wedding ring and yung nakakasama rin naming isa niyang kasamahan eh wala ring sinabi. So, nung nalaman namin ng parents ko na buntis ako at kinausap na siya, tsaka palang din siya umamin na may pamilya na nga siya kaya wala na magagawa kundi sustentuhan nalang ang baby. 1-2 months pregnant palang ako nakakapagbigay pa siya ng pampacheckup pero nung nalaman na ng asawa niya na may nabuntis siya di na siya pinapadalhan (nasa asawa niya atm niya) kaya di na siya nakakapagbigay. Sobrang considerate ko sa lalaki na di siya nakakapagbigay at sa asawa niya kasi sobrang sakit nga naman malaman na makabuntis asawa mo. Pero paano naman po yung anak ko kung di man lang niya masusustentuhan sa pagdadamot na rin po ng asawa niya? Ano po dapat kong gawin para sa sustento ng anak ko? ps. Captain po ang ranggo ng nakabuntis sakin Pps. Wala n po kaming relasyon nung lalaki

99 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Magkaroon ka sana ng lakas ng loob para ipaglaban ang karapatan ng anak nyo. Alwaus pray to God.

Naku c tulfo makakatulong Saiyo lalu na pg sustento ang png uusapan hahabulin nya tlga ung sundalo n un

5y ago

May asawa po daw Yung sundalo db. I don't think magpa tulfo is the right choice kase baka makasuhan din siya nung asawa malakas na ebidensya Yung baby right.

Pede mo syang pa demanda.. malakas din ang loob nya na buntisin ka .. may asawa na pla sya..

VIP Member

Pwede mo syang kasuhan sis. Paglaban nyo rights nyo ni baby. Kailangan nya kayo sustentuhan.

Magreport ka kung saan siya naka-assign para kahit paano may makuha kang sustento sa knya.

Ireklamo mo sis para magawan ng aksyon at papel need mo ng proof wag ka papayag ng ganyan.

Ireklamo mo xa sis sa hq nila..hindi nya yan gugustuhin na mawalan ng trabaho

May ganyan na pong case sa tulfo. Lapit po kayo kay tulfo matutulungan po kayo dun

Legal advice po...para my idea ka po what maganda gawin...para kay baby na din...

grabe naman un asawa nya..wala naman kinalaman ang baby sa kasalanan ng husband nya eh..

5y ago

Di natin masisisi.mamsh kasi niloko siya eh.