Naghiwalay na kami bago ko pa malaman na buntis ako. Naghiwalay kami dahil sa isang babae, nung nalaman kong buntis ako nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi pero in the end sinabi ko rin naman. Sinabi ko rin naman agad na okay lang kung hindi niya sustentuhan etc. Pero nag insist siya, tapos bigla nalang siya nagtanong kung di daw ba ako nahihirapan. Syempre sinagot ko ng nahihirapan. Tapos gusto niya ipalaglag :< hindi niya sinabi na ipalaglag pero ganon yung dating. After ilang weeks, makikipag hiwalay daw siya sa gf nya at papasukin yung responsibilidad samin. Naghintay ako kasi sino ba naman ayaw ng buong pamilya diba? Lately, akala ko wala na sila, alam kong nag uusap pa rin sila pero sila pa rin pala at nagkikita. Balak niya mangupahan kami pero sila pa rin pala. Hindi ko na alam gagawin ko, ngayon tinutulak ko siya palayo na doon na siya sa gf nya at wag na ko ichat, pero nagchachat pa rin paminsan minsan. Dapat paba ako sumama sa kanya o wag na? Tutal sa buong pagbubuntis ko halos ako naman ang naghirap at gumastos e, nagpapacheck up nga ako ng ako lang mag isa e.