Nag PT ako kahapon twice and positive sya. Buntis na po kaya ako talaga? Nagpacheck up po kase ako ngayon hindi nirecommend ng doctor na magpa trans V ultrasound na ko dahil 4 weeks palang daw at baka wala pa daw heartbeat si baby. Pero binigyan na nya ako ng pampakapit at folic acid. Excited na po kase ako magkwento sa mga friends and family ko. Kaso nagwoworry po ako kung totoo na po bang buntis ako or may possibility na false positive lang?
Sumasakit po kase ang aking tagiliran at balakang, sabi naman po ng ob ko okay lang as long as di nagbebleeding
Maraming Salamat po sa mga sumasagot at nagbibigay ng advice! God bless us all Mommies! ❤️