Asking for opinions

Nag-post ba kayo po sa social media regarding sa positive PT nyu or pregnancy nyu? Sabi po kase bad luck daw un lalo n kung 1st trimester plang. Gusto ko sana kase magpost kase sobrang happy ako and gusto ko malaman ng mga kapamilya at kaibigan ko ☺️ What do u think po? ☺️ Sino po sainyo nagpost agad ng Positive PT pero ngng ok nmn ung journey ng pregnancy? Thanks.

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Never ako nagpost ng pt or sonogram pics. Nung nanganak ako naunahan pa nga kami ng byenan ko na magpost ng pics ng baby namin. So aside from congratulatory message eh message na nagulat na "o buntis ka pala?". Bihirang bihira ako magupload ng pics. Not every single thing sa buhay namin ay nasa FB. Sabi ko nga sa isang sagot ko sa isang mom na nagtanong din eh di namin ginagawang diary ang social media. Iba iba naman tayo. Thats just how we are. Hindi sa hindi kami proud. We just like our lives to be private and malayo sa mga matang mapanghusga. Mas tahimik pag ganun.

Magbasa pa

Totoo yan, tska hindi dapat pinopost ang PT sa social media kasi maraming mata don and its proven na marami nko kilala na nakunan dahil masyadong showoff sa fb lalo sa PT kit nayan, it should be private naman kasi dapat, and hindi rin sia lalo instrument to impress people na hindi mo naman kilala. Matagal narin ako nag hangad ng Baby non almost 7yrs at nung nabuntis ako super excited din ako and happy pero never ako nag post sa social media, nung new born nalang, and it all goes well. Madami rin kasi nag sasabi na hindi talaga dapat lalo pag PT kit palang.

Magbasa pa
VIP Member

hmm hindi kase ako naniniwala sa badluck eh, first pregnancy ko hindi ko naipost nakunan ako, kaya nung second pregnancy ko sabi ko wala naman mawawala if ipost ko 😁 so 9 weeks ipinost ko siya. kase momsh depende kase talaga yan kung para sayo para sayo talaga. un paniniwala ko kase sa first pregnancy ko napakaselan ko noon, every week nasa hospital ako pero nawala pa din. second pregnancy ko maselan din pero sabi nga tiwala lang ke Lord ayun 4 months na ngayon ang aking makulit na baby 😊

Magbasa pa

Hindi po bad luck yon. Ang explaination nyan pag 1st trimester pa lang kasi may tendency pa na makunan which is hindi maiiwasan at hindi kasalanan ng mommy yon. Pag ganun kasi nagbibigay ka ng false hope sa ibang tao lalo na sa mga excited na malaman na buntis ka. Kaya may iba nghihintay muna matapos ang first trimester bago ipaalam kung kailan sure na ang pregnancy at tuloy-tuloy na.

Magbasa pa

Di po maganda sis pag nasa 1st trimester ka palang. Nasa alanganin pa po kasing edad yan saka prone to miscarriage ang ganyang edad. Ako nag post sa social media ko ngayon lang na 7 months preggy na ako. Hehe. Wala namang masama pero sakin kasi umiwas lang ako pangunahan ung pagkakataon nung 1st trimester pa ako. Dependi sa paniniwala mo sis. Pero ma's okay kung iwasan mo muna.

Magbasa pa
5y ago

True sis, lalo na pag 1st baby Di naten alam kung maselan ba tayo O Hindi.

Parang gusto ko maniwala dito. August of last year nabuntis ako. Pagka-PT ko pinost ko agad. I lost my baby at 13weeks. Then Jan. of this year nabuntis ulit ako pero di ko na pinost. Yung family and close friends ko nalang ang nakakaalam. I am now at 17weeks. Coincidence lang siguro pero nung nabuntis ako ulit, choice ko na din na wag ipost.

Magbasa pa

Yes sis! After transv result ko, post agad, 1st trimester ko...ehehehhe...proud ako ehh...nasayu pah rin nmn kung ipopost mu sya sis, wlang kinalaman tlagah yan sa pagpopost mu, kung tindi ang kapit ni bby tyaka healthy si mommy tyaka may guidance pah ni God, tuloy2x pagbubuntis mu sis...😊😊😊 33weeks pregnant here...😉

Magbasa pa
VIP Member

Wala namang masama na maniwala sa mga pamahiin but come to think of it some of the pamahiin doesn't make sense at all. Kasi kung hindi para sayo ang baby na yan ipost mo man or hindi mawawala at mawawala sayo, pero kung nilaan talaga para sayo ang baby mo kahit ipost mo pa kada journey mo hindi yan mawawala sayo.

Magbasa pa

Kami po nasa 30+ weeks na bago magpost. Kahit ngayon sa 2nd baby ko. Privacy na rin tsaka less stress siguro kasi mas gusto namin na family lang nakakaalam. Madami kasi mangingialam pag mas marami makakaalam. Samin lang naman yon. Hehe. Depende po sa inyo. Pero hindi totoo yung may bad luck pag nagpost agad. :)

Magbasa pa
VIP Member

Eto ginaya namin ni hubby sis nung nag announce kami 🤣. 6 weeks palang ako nung nag post kami sa social media sa sobrang excite ko. 😊 i think di naman siya badluck, marami lang din kasing pwedeng mangyare sa 1st tri kaya yung iba inaantay pa nila 2nd tri para sure na sure na bago mag announce.

Post reply image