29 Replies
17 DIN AKO NABUNTIS SA ELDEST KO. AT SA MALING TAO. ALTHOUGH KINASAL KAMI PERO DI NAG WORK. I REGRET THE FACT NA SA MALING TAO AKO NAGPAKASAL. USO PA KASI NOON UNG IBABANGON ANG DIGNIDAD AT DANGAL 😂 PERO HINDI KO NAMAN PINAGSISIHAN NA PINANGANAK KO UNG DAUGHTER KO.. KAHIT 17 PALANG AKO NON NAGING RESPONSIBLE NANAY AKO. MALI TALAGA GINAWA KO. NASAKTAN AT DISAPPOINTED DIN MAGULANG KO . PERO HINDI NAMAN TUMIGIL ANG BUHAY KO EH. NAKAPAG WORK NAMAN AKO AT NATUSTUSAN BABY KO NON. UNTIL I MET THE RIGHT MAN AT THE AGE OF 25.. AND PREGNANT NOW SA AKING BUNSO.. OO MAY MGA BAGAY NA SANA DI NATEN GINAWA AT MGA WHAT IF TAYO SA BUHAY. PERO DI YAN KATAPUSAN NG BUHAY MO. BATA KAPA.. MARAMI KAPANG MARARATING AT MAPAPATUNAYAN. GAWIN MONG INSPIRATION AND MOTIVATION ANG ANAK MO. BE A GOOD MOTHER AND A GOOD EXAMPLE SA ANAK MO. BE STRONG. WAG KA PA AAPEKTO SA OPINION NG IBA. MAHALAGA YUNG ALAM MO SA SARILI MO KUNG SINO AT ANO KA.
I was 17 when we had our first child. Yes disappointing sa part ng parents at sa iba is kinahihiya pa ang ganun dito na lang sa comment may judgemental na comment somewhere. Though hindi man 100% naming naitaguyod ng solo ang aming anak at tinulungan kami ng parents namin we still turned out very well and that’s something to be proud of. 35 na kami ngayon and our first is already 17. May businesses kami, nakabukod kami, and we’re expecting another baby. Don’t let your starting point be a hindrance or disadvantage to what who you can become. Push forward for “more” and “better”. Kung proud ka be proud lalo na if you’re responsible coz not all teen parents have the maturity to drop their life and raise a child.
mas maaga pa ako nabuntis sayo mamsh 15yrs old. sa umpisa mhirap talaga pero tinaguyod kami nung Lip ko binukod kami still my parents helped me. pinalaki ko baby ko konti at nagaral ako ng beauty industry like make up and hair styling pati na nail gel. now im successful with it nakapag apply na abroad. hndi naman porket nabuntis nng maaga e wala na. wala ng pangarap sa buhay naputol na hndi na mkakatulong ulit sa pamilya at magulang.. Ung nabuntis nang maaga hndi nkakaproud PERO UNG BINUHAY MO UNG ANAK MO NAGING RESPONSIBLE KA AT BUMUO KA ULIT NANG PANGARAP AT TINUPAD MO YUN ANG NKAKA PROUD.. wag mong intndhin yang ssabhin nang iba in the first place NI SINGKONG DULING WALA SILANG MAITTULONG SAYO.
Maaga ka nagpabuntis, ako sasabihin syo ng mga tao? Congratulations? Tanggapin mo, ganon tlaga. Mga edad mo, bumubuo pa ng mga pangarap yan, nag-aaral ng mabuti para sa future. E ikaw, iba ata priority mo. Imbes na matulungan mo at maging proud syo ang mgulang mo, nagdagdag ka ng panibagong pasanin. May tamang oras ang lahat ng bagay, nakakalungkot na napaaga syo ng responsibilidad mo. Di mo maeenjoy kabataan mo, baka kung kailan ka tumanda, dun ka maghahanap ng "happenings" kasi nga di ka napag-enjoy nung dalaga. Anyways, anjan na yan, tanggapin mo nalng talaga at alagaan baby mo. Saka kung ano man sasabihin ng mga tao, masanay ka nalang, ginawa mo yan eh.
Makinig na ikaw sa magulang mo and be responsible mahirap maging ina habang buhay mo yan magiging responsibilidad example mo nalang mga magulang mo ngayun na dapat dba ikaw namn ang tumutulong sa knila kaya talaga marami kang maririnig sa iba di mo yan maiiwasan lalo na kung wala kapang napapatunayan.Wag ka nalang makinig tanggapin mo nalang sinasabi nila kase yun ang bunga kapag nagkamali ka.And sana wag mo pababayaan at iasa sa magulang mo ang dapat responsibilidad mo ipakita mo sa iba na yung pagkakamali mo pwede mo pang itama Godbless Pursue your dream parin kahit magiging mommy kana para sa anak monat para naden sa magulang mo😊❤
17 yrs old lang din ako nung una akong nabuntis,ganyan tlga mraming maddisapoint at maraming magjjudge sayo.Basta pakita mo lang na responsible kang magulang sa mgging anak mo,sa una lang naman yan at Di magttgal magging maayos din ang relasyon mo sa parents mo.Normal lang na mkramdam sila ng disappointments,kasi magulang mo sila.Be strong para kay baby at wag mona pansinin yang mga tsismosa lah naman sila ambag sa buhay mo e 😅 Stay safe buntis!God bless ❤ saka kna bumawi sa parents mo pag nakapanganak kna.
basta wag mo nalang pabayaan anak mo. and teach him/ her to be responsible . and every decisions mo na gagawin isipin mo muna mabuti lalo na may anak ka na. di naman nahuhuli yung advices ng matatanda satin. syempre beh marami mag ja judge sayo kasi since teenager kapa wala ka pang work, unang iisipin kasi pano si baby? iaasa mo sa magulang mo? ganon kasi yun. but, if nakaya mong i raise ng mabuti ang anak mo maybe di ka na nila ida judge. keep praying and please. think before doing things. godbless nak!
No judgment bhe. I think it is not because of your age, but the thought of how you can be responsible for another life when you are not yet at a point that you can be responsible for yourself. At this point, don't feed yourself with negativity or opinions. di talaga lahat yan maggustuhan mo. just do your best now to be a responsible mother to your baby. hindi dapat dahilan na bata ka pa. this time, you have to take it upon yourself to mature for you and your baby. kaya yan mamsh.
after ko mag high school nun 16 ako, sinasabi ng tatay ko mag asawa na daw ako wag na daw ako mag aral kasi ganun din naman daw magaaral tapos mabubuntis, di na lang daw sila mag expect sa akin. yun pala sina psywar na pala nun ng tatay ko, para di ko sya gawin, ung nanay ko naman during my teenage life she always tell me na to enjoy teenage life, mag pakasawa daw ako sa buhay dalaga may tamang panahon daw sa pag aasawa.
19 years old akong nabuntis at 2 months old na baby ko ngayon. Pero hindi ako umaasa sa magulang ko about financial lahat galing sa boyfriend ko mula sa pagprenatal,bili ng mga gamit ni baby diaper gatas. hayssss
ganun talaga mommy madaming manghuhusga. im a teenage mom too 17yrs old ako nung nabuntis. hinayaan ko nalang kase alam kong mali naman talaga. ginawa ko nalang responsibility ko bilang mommy na ako and ganun din si hubby and thankful na rin ako dahil maayos na ang buhay namin at di kami umaasa sa parents namin bagkus kami pa ang tumutulong sakanila bawi lang sa mga panahon na down namin sila.
Yhenz