Pera
Nag aaway ba kayo ng asawa mo pagdating sa pera? Bakit?

kapag sumusobra na po nag dami.😂😂 charot. di po pinagaawayan ang pera unless may isang nagwawaldas ng pera sa walang kwentang bagay
oo kase magastos ako tapos di ko binibilang yung sukli pero nag bago naman na ako binibilang kona chaka di na rin ako magastos tulad noon
Hindi. Kasi ang pera niya pera ko din tapos ang pera ko,pera ko lang haha. Mahalaga kay hubby, may kinakain ang pamilya.
Hindi kase pera lang naman yan, and lage namin pinag-uusapan pag ka may problema pagdating sa pera pero hindi namin pinag-aawayan
Minsan nag aaway kami tungkol sa pera dahil gastos siya ng gastos alam mo naman walang work ngayon dahil sa epidemya
Minsan pag nag-oorder sya sa Lazada ng mga walang kwenta 😂 yung nakabudget na lahat tas biglang di inaasahang delivery.
Nope. Hindi nan maganda na pinag aawayan ang pera, pagusapan lang ng maayos if need magtipid at kung ano lang kailangan .
Hindi namn po...dahil unang una napag usapan na basta money matters di pag aawayan at dapat open sa expenses at iba pa.
Hindi. Mag bf-gf pa lang kami pinag usapan na namin na hindi dapat magiging issue or ugat ng kahit anong away ang pera.
hindi, kasi sabi niya "ang pera hindi pinagaawayan, kinikita namn yan pero ang relasyon kapag nagaway mahirap ibalik"


