Napakaduwag

Naduduwag ako manganak ? di ko alam kung kakayanin ko, although dec pa due ko peeo everyday naiisip ko yung araw na manganganak nko. Pano nyo ba ito nakayanan? Share naman kayo ng exp nyo. First time mom here.

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Noong buntis ako, hindi ako natakot manganak.. Sa tuwing naiisip ko na malapit ko na makita ang anak ko, mas lalo kong na e excite. 32 hrs akong nag labor, failed induction. Habang nasa labor room, kinakausap ko lang si baby sa tiyan ko. Ang daming gamot ang ipinasok sa pwerta ko para lang mapataas cm ko, pero maliit pala sipit sipitan ko kaya kahit anong gawin nila hindi talaga tumataas cm ko kaya nag decide kami na i CS na ko. Wala kong ibang nasa isip non, "gusto ko ng makita ang anak ko". Lilipas din yang takot mo sis, isipin mo na lang kung gaano mo kagusto masilayan ang mukha ng baby mo. Fighting! And goodluck 😊

Magbasa pa