Para sa mga inang kagaya ko na:

- Nabuntis nang wala sa plano - Binabalewala ng tatay ng anak niya - Hindi excited sa bata / kukumustahin lang pag naalala - Dadalawin lang isang araw sa isang linggo / kung kelan siya available - Mas mahalaga ang buntis niyang aso at mas concerned sa mga tuta kesa samin ng anak niya - Hindi tinanggap ng mga in laws - Walang planong pakasalan - At higit sa lahat sinabihan na mag usap na lang kung tungkol sa bata Sa totoo lang, pinapanalangin ko na sana wala akong kapareho ng kalagayan dahil napakasakit sa pakiramdam. Down na down na ko. I'm sorry sa anak ko dahil ganun ang tatay niya. Hindi ako makapaniwala na may ganitong klase ng lalaki. Sa mga kapwa ko nanay, pakatatag pa po tayo. Mabuhay tayo para sa anak/mga anak natin. Please include us in your prayers po.

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung hubby ko mabait .. pero inlaws ko di maganda ugali puro yabang lng nmn meron lalo yung byanan ko na lalaki sa kabila ng tulong ko sa anak nya sa hospital inalagaan ko na parang anak ko yung sister inlaw ko sobra pa sa anak ,nagawa pa ako eh tsismis masama dw ugali ko, ayaw klng makipag usap kasi nmn puro tsismis nmn pinag usapan nila mas gusto ko mag kulong sa kwarto kaysa sumali sa tsismis..dko akalain ka lalaking tao ng byanan ko tsismoso (ps) nagbakasyon lng sya dito Kasi na hospital anak nya.. mabuti pa sya nkka tsismisan nya kapit bahay namin.. pero mas gusto ko manahimik nalng bahala na sila basta ako masaya ako sa anak ko at kay hubby

Magbasa pa