Para sa mga inang kagaya ko na:

- Nabuntis nang wala sa plano - Binabalewala ng tatay ng anak niya - Hindi excited sa bata / kukumustahin lang pag naalala - Dadalawin lang isang araw sa isang linggo / kung kelan siya available - Mas mahalaga ang buntis niyang aso at mas concerned sa mga tuta kesa samin ng anak niya - Hindi tinanggap ng mga in laws - Walang planong pakasalan - At higit sa lahat sinabihan na mag usap na lang kung tungkol sa bata Sa totoo lang, pinapanalangin ko na sana wala akong kapareho ng kalagayan dahil napakasakit sa pakiramdam. Down na down na ko. I'm sorry sa anak ko dahil ganun ang tatay niya. Hindi ako makapaniwala na may ganitong klase ng lalaki. Sa mga kapwa ko nanay, pakatatag pa po tayo. Mabuhay tayo para sa anak/mga anak natin. Please include us in your prayers po.

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kaya mo yan sis..oo mahirap at masakit sa una pero tulungan mo ang sarili mo sa lahat ng bagay..ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo,masakit tanggapin ang katotohanan pero isipin mo lagi may mas magandang plano ang panginoon pra sa inyo ng baby mo.. naranasan ko yan sis sa 1st baby ko iniwan ako ng ama nya sinabi na mghahanap lang sya ng trabaho dun sa lugar ng ate nya pero ang ending di na ngpakita at ngparamdam .masakit pa nlaman ko na my iba n agad sya..stress ako nung pinagbuntis ko ung baby ko nun pero sa awa ng dyos anjan ang parents ko na di ako iniwan at sinuportahan kame ng anak ko..ngaun happily married ako sa tatay ng 2nd baby ko..pinakasalan ako at tanggap ang 1st baby ko..mag 7 years old (girl) ang panganay ko at ngaun yung baby ko is (boy) at 8 months na..goodluck sis sa journey mo..kaya mo yan PS: ung 1st boyfriend ko ung nakatuluyan ko ngaun 😊😃

Magbasa pa