Nabasa ko lang ulit sa breastfeeding group sa fb ito. CREDITS TO THE OWNER!
Ang explanation sa baba ay pwedeng applicable sa mga nagbreastfeed at saka sa nagbobottle. Note: Breastfeeding is best for babies.
Maraming babies na mga 1 or 2 months old na dinadala sa clinic na maiingay daw huminga or may halak.
Kapag chineck ko naman ay halos wala akong naririnig na plema sa stethoscope.
Ito ang mga tinatanong ko...
Matigas ba ubo?
Di naman Doc.
Parati bang inuubo?
Minsanan lang talaga po, like 2 x a day.
Nagigising ba sya sa ubo niya?
Ang himbing ng tulog Doc.
Malakas dumede?
Ay super po Doc. Like 1 hour or 2 hours palang ay yung labi niya naghahanap na ng nipple at iyak kaagad?
Madalas ba ang suka ng gatas?
Madalas po Doc.
Ok most likely may overfeeding tayo. Ang stomach kasi kapag napuno at meron paring milk na pumpasok ay nagkakaroon ng backflow.
Yung milk ay pwedeng isuka, pwedeng umakyat sa likod ng ilong at magkaroon ng pagkabara ng ilong na parang may sipon na wala namang lumalabas at pwede ring pumasok sa baga o lungs.
Yung naririnig mong halak ay most likely ay yung gatas na nashoot sa baga.
Dahil kung plema talaga yun ay dapat grabe na ang ubo. Pero dahil minsanan lang ubo most likely liquid ito at hindi malagkit gaya ng plema.
Delikado po ba ito Doc?
Mas natatakot ako sa ubo na parati at hindi sa halak.
Actually kung di naman marami ang pumunta sa baga ay ok lang at nawawala lang ito. Pero kung marami ay pwedeng di makahinga at pwedeng delikado rin.
Eh talagang sige hingi Doc po eh.
Actually ganito yan. Ang baby ay parang tayo rin. Kapag wala tayong kausap o walang pinapanood na TV o wala tayong cellphone sa kamay para tayong nabobored after 1 hour.
Ang baby nabobored rin yan, so tinatanong niya sarili niya, "ano bang masarap gawin?"
Dahil baby sya ang alam niyang kasayahan sa buhay ay gatas!!!! Dahil yun lang ang nakaregister sa utak niya!
Di naman niya alam ang TV o cellphone kaya hihingi sya ng gatas dahil di talaga gutom sya kundi alam niya na nawawala ang pagkabored niya.
Pero aangal ngayon ang tyan dahil puno pa kaya binabalik palabas.
Dalawa lang ang entertainment na alam ng babies: isa ang gatas at ang pangalawa ang pagsayaw.
So ibig sabihin kung mga wala pang 3 or 4hrs mula sa last feeding, kargahin mo muna at sayawin. Sabihan mo, "baby di lang naman milk ang enjoyment sa buhay, masarap din naman ang sayaw sayaw.
Wag mo rin padedeen ng nakahiga. Dapat elevated ang position niya. Mas madaling mabilaokan kung nakahiga. Kung tayo nga di natin kayang uminum ng liquid nakahiga bakit ang baby iniisip natin na kaya nila.
Iburp rin after feeding para lumabas ang hangin. Yung hangin kasi sa loob ng tyan ang tumutulak rin ng gatas pabalik papunta sa bibig o sa baga o sa ilong.
In other words sayaw sayaw rin pagmay time. At inform ko po rin kayo ang umaga at gabi at madaling araw ay katulad lang. ibig sabihin kailangan pa rin gawin ang sinabi ko sa taas kahit madaling araw. Kaya humingi ka ng tulong if antok ka talaga.
1. Wag magpadede ng nakahiga, medyo elevate o inclined gaya ng sa image.
2. sayawsayaw para lumayo ang interval ng gatas to 3 or 4 hrs
3. Burp after feeding
Disclaimer: mas maigi ang magpakonsulta kapag may halak ng masiguro.
Disclaimer: I don't encourage TV and phones for babies. The above is just an example to get the message across.
Dr. Richard Mata
Pediatrician
Like and Share
Para sa dagdag pa pong tips pambata please like @Dr. Richard Mata.
Mary Grace Quirimit