Masamang panaginip
May nabasa ako about BAWAL IWAN si baby mag isa kesyo ganto ganyan,so ito na nga po ang kwento ko, maaga kaming nagising ng baby ko mga 7:00 am kanina nilalaro sya ng byenan ko and ako nagbabasa lang ayun nga may nabasa ako na bawal iwanan si baby mag isa ng natutulog basa ako mga comment ganyan, around 7:30 binigay na sakin baby ko so pinadede ko na ulit sya di na rin sya dumedede sakin formula na sya, parehas na kame nakatulog. Sa panaginip ko naiwan ko ang baby ko natutulog ako naglilinis, then pag balik ko sa kanya tumitirik na yung mata nya. Pinakita ko sa byenan ko di sya natataranta pero di nya daw alam gagawin nya. Sabe ko ipacheck up na, sumusuka ng dugo yung anak ko tas tumitirik na ang sama ng tingin sakin parang may demonyo na sumapi. Nagising nalang ako dahil nasipa ako ng mister ko. Sa tuwing naiisip ko anak ko masama ang papanaginipan ko sa kanya minsan patay sya sa panaginip ko. Ano po ba dapat kong gawin natatakot kase ako, nagdadasal naman ako.
Proud mommy of Easter And Gail