Dreams. Rants. Rants.

Maiba lang ako mommies. Ever since na nabuntis ako, lagi ko napapanaginipan ang tatay ng magiging anak ko. Yung lalaking di para sakin. Hehe. Mahal na mahal ko padin. Di sya bad dreams at all. Parang normal lang na nadaan sya sa panaginip ko. Halos araw-araw. Lagi ako nagp-pray kay God, na sana wag ko sya mapanaginipan. Di ko pa kase tanggap na iniwan nya ako sa ere. Kahit alam nya ang sitwasyon ko. Ayoko sya maalala. Gusto ko mag move on, mag move forward. Gusto ko tanggapin ang katotohanang iniwan nya na kami. Masaya ako para sa kaniya. Kase masaya sya sa buhay nya kahit wala ako sa tabi nya. Kahit hindi na ako parte pa ng buhay nya. Sana ako rin, pumasok saglit sa panaginip nya. Sana ako rin, naaalala nya. Ang unfair kasi e. Pakiramdam ko, lahat ng tao sa mundo, nag s-step forward. Parang ako lang yung naiwan sa likod at hindi makatanggap. Di ko matanggap na sa kabila ng lahat, he left me hanging. Minsan napanaginipan ko, i was begging. Umiiyak ako sa kanya tinatanong ko sya. "Ba't moko blinock? Ba't moko iniwasan. Ba't moko iniwan sa ere? Pano na si baby? Pano na baby ko?" Nagising nalang ako na mabigat yung pakiramdam. Mabigat din sa pakiramdam na nakikita ko sya. Kasama yung totoong pamilya nya. Sana una palang, di ko na hinayaan na makapasok sya sa buhay ko. Edi sana, di ako nahihirapan ngayon. Ayoko na matulog, sa bawat pagtulog ko sya lang laman ng panaginip ko. Kung di alaala ng pinagdaanan namin, mga kanta nya para sakin at pagmumukha nya nakikita ko. Nakakaiyak, nakakalungkot. Di ako makamove on sa buhay ko. Feeling ko natrauma nako, ayoko na tuloy magmahal ? Single mom na siguro ako for life, sino ba naman tatanggap sakin? Nabuntis tapos hindi pininindigan. Wala nako mukhang ihaharap sa mundo. Wala naman ako kakampi e, sya sana. Kaso iniwan ako. Hahahaha. Sadlife. - 03/18/2020 12:53 AM Midnight thoughts ? I guess so.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

😢 parang pang MMK mumsh, maganda tlaga yung nagcshare minsan ng saloobin para mabawasan yung mabigat na narramdaman. Ako, I always believe na everything happens for a reason, kng hindi man sya nakatuluyan mo ngayon, may ibibigay si God na mas higit p sknya, yung mamahalin k ng todo, pagsisilbihan ka, rerespetuhin at makikita ang worth mo. It take time to heal, sa ngayon, kay baby ka muna magfocus. Happy womens month mumsh! Kaya mo yan!

Magbasa pa
5y ago

God bless you too. Keep safe and strong! 💪