MGA WALANG UTANG NA LOOB
Naaawa po ako sa magulang po, dumating po sila kanina dito sa bahay, umiiyak ksi ilang araw na daw silang hindi kumakain. Dati po ksi yung dalawang kapatid ko na nasa abroad,pinadadalhan sila pero dahil sa sumbong nung dalawang kapatid kong magagaling na sumusugal daw sila,eh hindi naman totoo,pinaniwalaan nung dalawang kapatid ko na nasa abroad,ngayon hindi na sila pinadalhan. Kaya awang awa ako sa knila kanina...hindi ko mapigilan umiyak pero pinigil ko ksi ayokong nakikitang umiiyak ako at buntis po ako ng 2 months at nakabedrest po ako. Gusto ko pong tulungan sila pero yung kinikita ni mister ko po,hindi po sapat para tutustusan ang pangangailangan namin. Tulungan nyo naman po ako anong pwd kong gawin para matulungan sila.