Pets!

Naaalala mo pa ba ang mga pangalan ng mga naging pets (alagang hayop) ninyo noong bata ka pa?

Pets!
76 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

KINGKONG - kapag nakawala sa tali buong sitio namin nagtatago sa bahay. nanay ko lang nakakalapit. SADAM, dog ni mama na nangagat saken. LUCKY - supladong aso ng nanay ko. LASSY - aso namin na sumama sa kabitbahay namin nung lumipat ng bahay. QUEENY - anak ni Lassy, inabandona ng ina. GOKU - anak ni Queeny, unang aso ko na ubod ng takaw. Bigla na lang nawala 😔 HILAHOD - dating na asong lumpo na inampon na namin. GOHAN - napulot ko sa ulanan. Paralized ang katawan. tuta ko na inalagaan ko ng ilang linggo. 😔 JANUS - aso namin sa kasalukuyan na tinaga ng matakaw na kapitbahay. nailigtas pa namin pero nabulag na ang isang mata. lahat aspin. marami pa ko nakalimutan 😅

Magbasa pa