3 Replies

Ganyan din nangyari sa asawa ng kapatid ko. Full term yung baby. Sabi nung doctor kailangan na ilabas. Ininduce siya. Pero wala pa din. Hindi ko maintindihan bakit naghintay pa ng 4 days bago pinapunta sa ospital. Cs din naman pala ang ending. It turns out,overdue na pla yung bata. Nastress na sa loob ng tyan hanggang nakatae na sa loob at nakain na yung tae. Hindi kinaya nung katawan. Nilagyan na ng tubo yung katawan kasi nahirapan na huminga ung bata kasi pumunta na yung tae sa baga. Isang araw lang,binawian na ng buhay yung bata. Kaya nakakatakot talaga ma overdue. Dapat well coordinated at well monitored ka ng midwife o OB mo.

VIP Member

Minsan po over due kaya nakakakain na sila ng pupu at nakakapupu na sila sa tummy ng mommy. May mga bata din po kaseng mahina talaga resistensya. Feeling ko di naman magpapabaya ang mga doctors kase di naman sila makakarating kung asan sila ngayon if di nila napag-aralan at napaghandaan ang pagsalang lalo na sa mga ganyang operations. Nakakalungkot nga lang talaga isipin na kung kelan nailabas mo na tsaka naman mawawala. After 9 months mong sobrang iningatan tas uuwi ka sa bahay galing hospital na wala ka ng mauuwing healthy baby. Pero may reason naman po lahat. Kapit pa din sa taas anuman mangyare.

Ang nakain po ng baby ung dumi niya, ung tinatawag na meconium, hindi dumi ng mother. Risk yan pag lagpas na sa due date manganak.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles