Hello, sino po dito ang merong myoma habang nagbubuntis? Ano po experiences niyo po? thankyou!
me po meron din. masakit po ung tyan ko lalo.nung lumaki na. mas masakit sa balakang π mas need din po.tutukan ung vitamins na naaabsorb ni baby kase kinukuha din ng bukol
meron akong myoma bago pa lang ako mabuntis pero hnd naman sya nakaharang sa paglaki ni baby. sabi naman ng OB ko, hnd rin naman sya ganun kalaki para ipatanggal.
ang akin kasi malapit sa cervix kaya mejo prone to preterm labor at tsaka baka hindi maka ikot si baby, sana di ako ma CS. 13weeks palang po ako. 1st baby ko. Saka ko nalaman my myoma ako nung nabuntis ako.
May bukol din po ako sa ovary. Pero endometriosis. Di naman daw lalaki yun pag buntis kaya wala effect kay baby. Lumalaki lang pag nagreregla. Hehe
Ako po may myoma po ako. Saka ko lang po nalaman nung nagbuntis na ako.
Sa taas at side po. Hindi siya nakaharang sa labasan ni baby. Kaso na cs ako kasi hindi nagprogress 7cm ko.
MommyNurse