My Teammate Daddy: Gaano ka-hands-on si Dada/Daddy?

I-share mo ang naging role ni Daddy sa iyong pagbubuntis o sa parenting & get a chance to win PhP 3,500 worth of prizes from Lily of the Valley dito : https://community.theasianparent.com/contests

My Teammate Daddy: Gaano ka-hands-on si Dada/Daddy?
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Simula nung nagpositive yung pregnancy test ko at nakapag ultrasound kmi, di na ako pinagbackride ng motor ng partner ko. Kahit di naman maselan yung pagbubuntis ko. Sabi nya, safety lang naman daw yung inaalala nya. Most of my monthly check-ups ay sumasama sya, gusto nya talaga sumama para malaman nya rin kung ano raw sinasabi ng OB ko, pinaglalaanan nya talaga ng oras yung monthly check-up ko. Di nya talaga ako iniwan sa hospital nung nagla-labor pa lang ako, kahit kinaiinisan ko sya nun, hinahawakan nya ako pero ayoko magpahawak sa kanya kasi naiinitan ako sa kamay nya, di ko rin maintindihan bakit ako ganun, kaming dalawa lang talaga mula pagbubuntis hanggang sa panganganak. Hands-on din sya nung nanganak ako, mahaba rin pasensya niya, sya na nag-alaga samin mag-ina, pati sa baby namin hands-on din sya, inilalabas niya si baby tuwing umaga para maarawan para makatulog naman ako, sya na nagluluto at naghuhugas ng pinagkainan. Since di na ako basta makalabas ng bahay, sya na lahat bumibili ng mga pangangailangan namin dito sa bahay, naglalaba ng mga damit namin, namamalengke at nag-go-grocery. Ni minsan di sya nagreklamo, kahit pati sya puyat sa gabi, sya na kasi nagpapatahan kay baby kapag umiiyak at ako naman ay mahimbing ang tulog, ginigising nya nalang ako para padedehin si baby, breastfeeding kasi ako. Binabantayan nya rin baby namin kapag ako naman ay maliligo o di kaya maglalaba sa mga damit ni baby. Kapag sa malayo naman yung duty nya, lagi naman syang tumatawag o nagcha-chat makamusta lang kmi mag-ina, wala kasi kami ibang kasama sa bahay, 3lang kmi, yung partner ko, ako at baby namin. Lagi sya nakadepende sakin pagdating sa mga gamit ni baby, mula sa brand ng diaper at mga essentials ni baby. Napakabait at maunawain. Napaka-swerte ko sa kanya. Buti nalang sya yung ibinigay saking ni Lord na magiging partner ko, kaya ang laki ng pasasalamat ko sa panginoon for giving me a partner like him(family-oriented) and soon to be my husband. 💍 #MyTeammateDaddy #theAsianParent #HappyFathersDay #FirstTimeParent

Magbasa pa