My Teammate Daddy: Gaano ka-hands-on si Dada/Daddy?

I-share mo ang naging role ni Daddy sa iyong pagbubuntis o sa parenting & get a chance to win PhP 3,500 worth of prizes from Lily of the Valley dito : https://community.theasianparent.com/contests

My Teammate Daddy: Gaano ka-hands-on si Dada/Daddy?
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

We got married December 2021 and nabuntis agad Ako Ng January 2022 super alaga si hubby sakin ayaw nya Ako mag gagalaw ne pag dala Ng sling bag ko gusto nya sya pa, pero so sad kasi Hindi nagka heartbeat Ang baby namin😓 Naraspa Ako, almost 5days Ako sa hospital and si hubby nag asikaso sakin, Wala syang tulog, Hindi din sya nakaligo for 5 days kasi ayaw nya Ako Iwan sa hospital and since pandemic di pwedi mag stay Ang watcher sa ward,ayaw nya din umuwi kahit pinapauwi sya Ng parents ko, kaya ayun dinalhan nalang sya ng pampalit. Nadischarge ako and grabe Panay sisi ko sa sarili ko nun at lagi Kong sinasabi na kasalanan ko kasi diko iningatan yung 1st bb namin pero pinapaintindi nya sakin na hindi talaga sya para samin at that's part of God's plan for us. We can try again pa Naman din daw pero diko talaga maiwasang sisihin sarili ko😞 Umuwi syang manila after a month nung Naraspa Ako kasi andun work nya,pumunta lang talaga kaming Davao para sa kasal namin,naiwan Naman Ako sa Davao, nagpapa galing padin sa depression at anxiety pati sa pag raspa ko. After 2mos sumunod akong manila, kasi gusto naming magtry ulit even Sabi nila wait Muna Ng 6mos kasi kararaspa lang pero we really wanted a baby na. After a month nabuntis agad Ako, grabe Yung kaba ko na baka maulit ulit Yung dati, na baka kunin ulit sya sakin, samin, dahil nag bleeding na Naman ako 😥 Buti nalang magaling Yung OB namin at inaalagaan talaga Ako,grabeng sacrifice at pag aalaga din ni hubby. Kahit pagod sya sa work sasamahan nya talaga Ako sa check up ko na twice a month kaya kapag Minsan di sya naka sama (papa nya pinapasama sakin) magtatanong Ang OB ko at pati mga staff Ng lying in kung nasan sya kasi nga sanay na Silang lagi nakikita hubby ko once nagpa check up Ako.So ayun pag nasa Bahay Ako, naka higa lang Ako for almost 3months di Ako pumalya sa pag inom Ng pampakapit kahit sobrang nakaka butas Ng bulsa ang presyo. And now our baby boy is 4mos already at mas Lalo kaming tumatag ni hubby sa mga experiences namin together with our little one now. And I really believe in god's perfect timing. Kung talagang para sayo, para sayo. Pero mananatiling naka ukit sa parte Ng puso ko Ang 1st baby ko na angel ko na Ngayon kahit hindi ko man sya nakita♥️

Magbasa pa
2y ago

Hi Mommy! Aawww... Nakaka proud talaga to have husbands/daddies na maalaga and maasikaso through the journey like yours 💜 please don't forget to put this entry in the link provided in the caption para may chance po kayo to win the P3,500 worth of prizes from Lily of the Valley!