anti biotic

Hello mummies!! Ask ko lang safe po ba uminom anti biotic para sa uti? Yan kasi nireseta sakin nung rm ko sa clinic e. Wala po ba effects yan kay baby? Thank you po sa sasagot

anti biotic
44 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung nagpaurine test kayo at nakita ni OB na mataas infection nyo, malamang ipapagtake kayo ng anti biotic.. Kung mababa naman at manageable sya.. No need.. May mga home remedy naman ibibigay.. Yan kasi hirap din sa mga ibang tao.. Magpapacheck up tapos magtatanong kung iinumin ba tong gamot na to.. Nagpacheck up pa po tayo kung hindi naman natin susundin reseta ng doctor.. Sana humingi nlng kayo ng opinion sa iba db.. Matagal ng aral mga doctor para pagaralan yung specialty nila.. Just saying lang po..

Magbasa pa

Safe po yan inumin . Bsta habang nainum po kayo nyan . Inum dn po kayo maraming water at iwas na dn sa matatabang pagkain at sa matamis . Para ndi na po kayo umulit ng pag take nyan . dpat bago po kayo manganak wala na uti kc nakakaawa c baby mahahawa at madedextrose pag labas .

Hi momsh lahat naman ng preggy karamihan nag kaka UTI pero kung ako sayo iwas lang sa maalat at softdrinks. mag BUKO ka lang ng mag BUKO kada umaga ayun gawin mong tubig ganyan ginawa ko sa panganay ko effective sya suggest ko lang naman to.

Opo may uti din. kase ganyan din ang reseta saken ni ob ko 3Γ— pa nga sa isang araw kailangan ko maubos yung 21 capsules tas tubig tubig 1.3 liter ang dapat maubos na tubig sa isang araw .

Sabi nila safe naman daw yan kase OB naman yung nag bibigay kase pinainom din po ako nyan dati nung buntis ako pero diko tinuloy kase natakot po ako e kase antibiotic sya pero safe naman po yan

Amoxicillin nireseta sa akin Ng ob ko kc moderate Yun UTI ko Sabi nya hwg daw aq mg worried kc para Rin nman daw ky baby one week aq Ng take tpos sinabayan Ng buko juice ayun ok na.

VIP Member

Karaniwan sakit ng preggy mommies ang UTI. As long as hindi ka nagself medication at nireseta yan ni OB or midwife safe siya. Drink more water din. Keep safe mommy!❀

VIP Member

I prefer not to take any meds. Pero kung yan yung advise sa OB you can take it naman. Pero mas okay kung uminom ka nalang lot of water then fresh "Buko juice" 😊😊

Safe yan sis ako din my UTI ngayon lahat na ata ng antibiotics pinainom na sakin ng ob ko.. Pero nag go google ko para mas mapanatag ako ....

Mas mgnda magwater therapy ka na lng mas safe... ako kc gnyan noon my uti until bgo mnganak,,, dmihan mo lng tubig mo araw2 for 1 month malelessen yan