pakwento lang ng experience ko mga sis!
Mula ng nanganak ako, 12 hrs unli latch si baby. More on colostrum palang nadedede nya sakin. Them nag decide na ko mag bottle sya. Pero latch parin.. after 2 days, lumabas milk ko. After 1 week, ang lakas na nya. To the point na para akong lalagnatin kase kahit anong dede ni baby, sobrang tigas, punong puno parin. Nasasamid pa nga sya madalas π€¦ββοΈ Tapos ako naman si desperado na, since di makahinga, d makahiga, as in para bang bato na sya, pinump ko. May ebp kasi ako dito, so triny ko sya. Wala pang 1min ako nag pump. Kase alam kong bawal pa. Pero feeling ko kase d ko na kakayanin. Eh singliit lang naman ng kalamansi stomach ni baby diba? Kaya alam kong d nya mauubos ung milk ko. Pero after a few days, sumasakit na ung breast ko. May mga bukol bukol na. Pag nasasagi ng toddler ko, napapaiyak nalang ako. D ako makakilos, makatayo, pag kinakapa ko, bukol bukol na. Alam kong gatas yun e. Ilanv araw ko tiniis ung pain. Then kanina 2 weeks na si baby, pinag suob/ tuob ako ng nanay ko. Nakatalukbong ako ng kumot, kase daw ginagawa daw un pagka panganak. Pero laking gulat at tuwa ko mga sis! Bumaha ng gatas sa sahig habang nag susuob ako, biglang tumutulo ung mga gatas ko, nung minassage ko, sumirit na silang 2. Ung 2oz bottle ni baby, napuno ng isang breast ko. After nun, nawala ung bukol bukol sa breast. Gumaan talaga pakiramdam ko. Ganun pala yun mga sis, pag nararamdaman nyo ng di kayo komportable sa breast nyo, pag feel nyo na parang puputok na sa dami at makirot na, try mo magsuob para lumabas sya ng kusa. Lalo na ung namumuong gatas na. Takot na takot ako nung nakaraan kase baka magka mastitis ako. Tapos hirap na ko huminga nun.. Share ko lang mga sis. π Until now kase natutuwa ko sa ginawa ng nanay ko, kahit kanina labag na labag sa loob kong gawin ππ baka sakaling makahelp din sa mga nakaka experience ng nararamdaman ko.