I suggest you have a serious talk with your husband regarding your setup. Make him understand rather than just rant/blame others for your situation. Choose your struggle. If pinili ninyo na magstay sa inlaws ninyo, know what that entails. Dapat clear sainyo magasawa ano pros and cons ng mga mutual decision ninyo, kasi mag-asawa na kayo. Kayo magtutulungan. You should be open also to understand your husband's side, ask him also bakit mas prefer dun, what causing the delay sa mga previous plans ninyo. Set timeline sa mga goals/ plans ninyo. Compromise when needed but if desidido kayo for something, then make things work. Lalo na magkakaanak na kayo. Ayaw ninyo naman na endless problem and argument ang maging cause ng living situation. Unhealthy for everybody.
instead na mastress k sis, learn how to interact sa relatives ng husband mo. mhrap yan if mafeel ng asawa mo na parang ayaw mo sa pamilya ska mga kamag anak nya. it happened to me before. d ko rn gusto na laging pumupunta pamilya ng asawa ko smen dati pati ibang kamag anak nya kaya madalas din nasa kwarto lang ako pag bumibisita sila, nagmumukmok. until one day, nglabas n ng sama ng loob asawa ko sken. para daw nababastos ko na pamilya nya at hindi raw tama yun kasi family nya rn daw yun. then i realized na tama asawa ko. now, kht unannounced mga bisita namin, marunong na akong mag entertain. thru that, naipapakita ko n rng nirerespect ko husband ko.
actually may point ka naman sis.. pero look at the brighter picture ika nga... may libre kayong bahay... ung iba pinangarap lang yan... if inconvenient tlga try mo ipayos ng unti unti.. saka try to also understand na only child si husband so tlgang ggustuhin ng parents niya na malapit kayo.. and also once manganak ka promise ggustuhin monna may someone na malapit ksi sobrang nakakapagod mag alaga ng newborn... kung hindi dahil sa parents ng husband ko hindinkami makakasurvive.. try to be thankful sa little things and try to meet in the middle din
May point ka naman sa dka comfortable sa bahay kasi nga di maayos.. so kung di mapapaayos mas better pa nga na lumipat nalang kayo ng mister mo, pero dun sa part na ayaw mo may ibang tao bigla bigla sa bahay nyo parang di naman okay yun, kasi di naman ibang tao yung tatay ng asawa mo at yung mga tiyahin nya.. Mas okay yung bahay na pinupuntahan ng tao lalo kung mga kamag-anak, kesa sa bahay na walang gustong pumunta.. Try mo makisama sa relatives ng asawa mo, I think mas okay yun sis.. Opinyon ko lang din po ito😊
may point ka naman po sis eh. first of all di maganda ang lugar di naman po sa pagiging sensitive pero kase tayong mga buntis madali tayo dapuan ng sakit. kaya dapat iwas po tayo sa mga ganun lalo na bumabaha po pala jan and need nyo po ng privacy ni hubby mo kaya mas okay siguro lumipat po kayo ng house. para din naman po sa ikabubuti ni baby yung pagiging sensitive naten lalo na kung ganoon po ang lugar bawal din po tayo ma stress kaya dapat lagi tayo iniintindi.
Normal Lng naman cguro ang ganyang feeling, hindi naman nagseselan ka. Kahit naman po ako, hindi din mahilig sa bisita as in kapag may ibang tao sa bahay nagkukulong lang din ako sa kwarto.. I suggest na mag effort ka pa n kausapin ng maayos si mister na mas maganda if dun nalang kau sa sarili nyong bahay, every weekend nalang kau jan sa inlaws mo.. mas komportable po kc talaga tayo kapag nasa sarili natin tayong bahay.
sis ang mag asawa kelangan bumukod talaga. kung nag iisang anak ed isama nyo yung in laws mo sa magiging bahay nyo. atleast dun alam mong maayos. ako din kasi kahit kasundo ko biyenan ko mas gusto ko bumukod kami. iba yung kilos pag sariling inyo. may mga lalake kasi talaga na hindi nila yun nararamdaman, babae lang madalas mas gusto bumukod.
Sis mag asawa naman kayo. While pwede pa din mag advise parents nyo, sa huli kayo pa din ang dapat masunod sa kung ano ang gusto nyo. Pag usapan nyo mabuti ni hubby kasi baka sya mismo ayaw nya talaga bumukod. Pero kelangan mo iparealize sakanya na bumubuo na kayo ng pamilya at may sarili na dapat kyong decision sa buhay.
Sis dapat mapagusapan nyo mag asawa yan. Convince mo sya na masarap tumira lalo sa bahay nyo tlaga. Sayang din kamo binabyaran nyo sa PAG IBIG kung wala titira.maiintdhan nya yan. Pwede nmn kamo kayo pumasyal everyweekend maintain nyo lang room nya sa inlaws nyo.
Mas ok po kung nakabukod kayo. Mahirap po sa buntis if hindi komportable. Kami po nakabukod and dumadalaw lang mga family namin pag may okasyon. Iba pa rin tlaga if nakabukod kasi may privacy. Hindi ka po maarte kasi di naman tlaga ok sa tinitirhan nyo ngayon.