Hello momshies, magtatanong lang po about Bf na hindi maganda ang ugali.
Hello momshies, sinabihan ako ng bf ko na hindi nya daw to anak if mapapa-aga ang labas ni baby. Apri 14 ang EDD, at sabi ko sa kanya baka last week ng March lalabas ang baby at nakakadismaya ang sagot niya. Ang sakit sa dibdib at naaawa ako sa magiging baby. Sinabihan rin nya ako na if hindi daw maganda or gwapo ang baby, hindi dw sa kanya. Sa totoo lang, naprepressure ako sa mga pinagsasabi nya. Ano po ang magandang gawin? Kailangan ko na bang iwasan sya? Hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman nung sinabi nya yun sa akin.