payat si baby

Hi momshies out there. Pahelp na man po Ano gagawin ko. Baby ko po 2.46kg pagpanganak ko. Cute naman si baby. Malaman-laman pagkalabas. Pero lately Lang, 3weeks na siya ngayon, Ang payat na niya. Saan ako nagkulang. Ano gagawin ko. Breastfeed po ako.

payat si baby
75 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy pinanganak ko baby ko 2.61 kilos tapos first check up niya naging 2.59 so bumaba ng konti dahil kahit ano gawin ko malunggay capsule, sabaw na may luya at malunggay, pinilit ko ipalatch ka baby kaso wala tlga. So kesa hindi magdede si baby, we made up our minds na iformula feed si baby. kaya ayun tumaba naman siya at nag gain weight naman siya..

Magbasa pa

Hello po ako po nanganak last April lng my lo weight is just 2.3 she's too small payat nya then after few weeks ngklman na sya now she's turning 3 months malusog na po sya I'm purely breastfeed po atska asked ur pedia if what advice she can give my baby have vitamin also and it helps alot latch nyo po sya NG latch

Magbasa pa

Wala bang binigay na vitamins pedia niya? Baby ko 2.5kg lmag dij nung pinanganak ko. After 12days follow up check up niya sa pedia niya, tas niresetahan kami mg Nutrillin at Ceelin plus po. Naggain naman si baby ko nun, formula fed po siya. Try niyo po dalhin sa pedia niya para siya magsasabi ng gagawin niyo.

Magbasa pa
VIP Member

Continue breastfeeding mommy and eat nutritious food para makuha din ni baby. If may worry, pacheckup din sa pedia para maadvise kayo mabuti based din sa assessment sa baby. Wag po laging mapressure na dapat mataba ang baby, mahalaga healthy sila at di sakitin. Wala po yan sa taba o payat 😊

On my experience sa 1st baby ko nung una mataba din sia tapos mga 2 weeks biglang pumayat . Sabi ng bienan ko try mong padede sa bote baka mas hiyang niya. Tinry ko ayun tumaba naman siya nun. Kase yung breastmilk ko ata d niya hiyang kasi yung lumalabas sakin nun medyo malabnaw hindi puting puti .

6y ago

Ganun tlga sa unang sipsip sis kpg tumagal napo ung paglatch nya ng 5mins dun na po lalabas ung puting puti which is high fat po ung malabnaw na snsbi mo lowfat po un. Kya po mas mgnda masipsip nya preho kse ung highfat un ung nkkpagslow ng metabolism ng baby..

Pacheck nyo po sa pedia if he is gaining or loosing weight kasi kahit na breastfed ka pwedeng hindi masyadong nakakadede si baby, like d siya nakalatch ng sakto. Observe nyo po if after feeding soft and parang medyo d na full ang breast nyo kasi yun ang indication nakakuha si bb ng milk.

Better pa check agad si baby baka madehydrate sya. Baka nde sapat ung breastmilk mu. Please supplement formula milk kay baby agad. Lethargic is also a sign na nde well fed si baby. Pls pa check mu na agad sya to avoid dehydration. Mabilis ang dehydration sa babies compare sa mga adults.

Normal daw po na papayat si baby pagkalabas nia pero makakabawi din daw po. usually after 14 days balik na po xa sa birth weight nia gang pabigat na xa ng pabigat.. Breast fed po ba si baby? Try nio po kumain ng madaming gulay lalo na yung nakakadagdag ng supply ng milk..

alwaya check po ng weight ni baby and you have to eat more mommy para mas masustansya ung nakukuha nya , then ask mo pedia if pwede na sya magtake ng vitamins .. normal lang po pumapayat ang baby after a weeks , kasi humahaba na sila pero dapat babalik un after a month

sabi po ng pedia, normal lang maglose ng weight si baby kasi nilalabas pa po nya nga kinaen nya sa loob ng tyan natin. ganyan po baby ko nung pinacheck up namin.then after 1 month check up ulit, halos nagdoble ng weight sya.basta continue breastfeeding lang po.