I'm so stress ☹️

Momshies, need advice! Sobrang stress at sobrang down na down na ako! 26 na ako with two baby girl. I'm a working student mom! Morning sa work at aral sa gabi. Pero minsan hindi ako nakakapasok sa school kasi minsan pag alam kong kulang sa tulog yung lip ko hinahayaan ko matulog para naman hindi sya inaantok sa byahe nya. Minsan nag gagawa pa ng motor o ng kung ano ano which is yun yung kinaiinisan ko. 6pm ang pasok ko sa school every tuesday to friday so dapat 5pm nakaalis na ako sa bahay. Kaso hindi, need ko pa syang tawagin para may maiwan sa mga bata. Need ko pa magalit, ganun na lang palagi sobrang nakakasawa na! Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba pag aaral ko o hindi na, 3rd year college na ako. Sobrang down ako ngayon! Hindi na nga kasi support sa mga gusto ko parang wala pa syang pangarap sa buhay! ? ang unfair lang sa part ko pag ako naka support sa kanya tapos pag saken na WALA na ?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Continue your studies, mommy. Never give up, obstacle lang yan. Mapaguusapan niyo yan ng partner mo. Isipin mo na baka pagod lang din and frustrated siya sa work. Baka depressed din si partner mo. Mejo may factor din kasi na baka mejo naiinggit siya in a way kasi nacocontinue mo yung studies, basta ganong aspect. Pero ang good thing is di ka naman niya pinipigipan and pinapatigil magaral di ba so baka miscommunication lang yan. Hindi ba pwedeng lumipat kayo sa mas malapit sa parents mo or parents niya para kahit pano may magbabantay sa mga kids? Anyway, stay strong and pray. Nasa right path ka mommy basta don't give up ❤

Magbasa pa

Kausapin mo ng masinsinan lip mo momsh. Minsan nag post din ako dto dahil sa sobrang stress. May nagsabi na pagusapan namin kung ano nararamdamn namin. Communication lang momsh. Malay mo kaya pala sya ganun kasi di nya alam na ganun na nangyayari sayo. O di kaya may gumugulo din sa isip nya. Ituloy mo lang pagaaral mo. Kung sabi mo na parang wala syang pangarap, ikaw magbigau ng inspirasyon sa kanya kung ganun. Tulungan lang momsh. Basta wag ka susuko. 😘

Magbasa pa

mahirap po ang sitwasyon nyo lalo na working ang partner nyo at kayo naman nag aaral. kung nahihirapan ko for sure ganun din sya tsaka dont take it peraonally kung lagi nya nakakalimutan baka stress lang din aya pero hindi nya lang sinasabi. do your best para makapag tapos. ng wowork naman sya at binibigay pangangailangan nyo. effort na yun sana ma appreciate mo din. hindi lang yung naka focus ka dun sa nga pagkukulang nya.

Magbasa pa

Mahirap sitwasyon mo sis.. pero sa pagtityaga mo makakaraos ka din,may mapupuntahan yan ginagawa mo.. pag nkpgtapos ka ng pag aaral mo mas may future ka kahit magkahiwalay kayo ng hubby mo.mainam kausapin mo sya ng mabuti kase para dn naman sainyo yan. Kaya mo yan sis wag ka susuko.. pagsubok lang po yan sayo God Bless

Magbasa pa
TapFluencer

Tuloy mo lang studies mo, kung ako lang gusto ko rin mag-aral, kaso magiging apat na chikiting ko, ok lang naman ako sa work ko as a BPO agent. Pero gusto ko sana magkaroon ng achievement sa buhay.

"communication is the key to a better relationship" mahirap po talaga mag aral habang may work tapos may mga anak pa po..tiis lang po ga graduate din po kayo basta be positive po

I think need nyo mag usap. Iraise mo sa knya ang issues mo.. Para pareho kau gumawa ng solution.. In case na walang mangyari baka oede mo bawasan ung units mo sa school..

Kausapin mo sis. Explain mo bakit mo ginagawa yan. At need mo sya jan para sa panilya nyo. Push mo yan.

please consider family planning na po after this pregnancy.

5y ago

Hindi po ako preggy. Naka implant po ako

kausapin mo sya para magawan ng paraan. well, mahirap naman po talaga na kasabay ang work, pag aaral tapos may dalawa ka pa anak.