Please help mummies

Hello momshies! ? first time mum po ako, 7 months na po akong buntis pero hindi pa ako nakakabili ng mga gamit ni baby. Wala pa po akong idea kung ano mga bibilhin ko. Please help po, anu-ano lang po mga importanteng damit o gamit na bibilhin ko para sa baby ko? Balak ko na pong bumili at limited lang po ang budget gusto ko lang po sana bilhin yung talaga kailangan ni baby after giving birth. Tia sa mga sasagot ?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mga newborn na damit po kulay white or depende sayo mabilis naman lumaki mga babies kaya Di kailangan Madami Saka diaper, pampaligo ni baby na Sabin, mga franella gloves at socks yun lang binili ko yung iba inunti unti nalang paglabas ni baby

VIP Member

Sa shoppee po yung pang newborn set po., meron po yung tatluhan lang ganun binili ko kasi kulang din sa budget., or pre loved po labhan mu nlang ng mabuti.,

Pranela, sando, pants mga bimpo ni baby. Sabon, oil po ni baby, mittens, socks, sumbrero, kulambo ni baby pangsapin po kahit pailan ilang piraso lang po.

5y ago

Lahat nmn momshie maganda..depende sa skin type ni baby kung anu ung hiyang nya

Shoppee or lazada po. Search mo lang newborn set dun ka muna magsimula. Yung mga kailangan talaga in case mapaanak ka ng maaga.

watch ka po sa youtube ng mga newborn haul or newborn essentials. .madaming tips kung saan mura at maganda bumili ☺

Haha! Ako momsh 8 months today pero wala padin kahit isa. Balak ko 2 weeks before ng sched CS ko. 😂

VIP Member

Sis kung di ka naman maselan meron sa shopee package na new born set. Search mo michaella1031 yung shop nila is legit, quality ang products at mabait si seller. Sabihin mo nirecommend kita hehehe regular customer na nila ako dun. Hehehe