SSS Problem🥲🥲🥲

Momshie ask ko lng po sa mga nakakaalam, Married po ang status ko sa SSS then 5years na kong hiwalay sa asawa ko.. Ngayon po pregnant ako sa baby namin ng bf ko kukuha po sna ko ng maternity benifits pero ang gagamitin ko pong apelido ng baby sa bf ko then yung sakin nman is nung dalaga ko.. Pano po kaya un mgkaiba po ang apelido ko sa SSS then sa ultrasound ko single po ang nakalagay don.. Sana po matulungan nyo ko kung ano po ang gagawin🙏🙏🙏

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hnd mo pwd ipagamit ung apelyido mo nung pagkadala sa baby mo kasi hnd pa naman yata kayo legal na magkahiwalay ng legal husband mo. total sa bf mo yang baby mo sknya mo ipa apelyido kasi sya tatay basta acknowledge nya sa BC ni baby to use his surname. Kung ako sayo much better mag inquire ka personally sa SSS branch office.

Magbasa pa
2y ago

yes po momshie ky bf ko ipapaapelido ang problema lng po tlga is yung sa SSS ko sa Mat 2 kasi need ng birth certificate ni baby.. pero ang ilalagay ko na apelido ko don is nung dalaga ko.. galing na ko ngayon sa SSS branch ang sabi nman online na daw ngayon kaya wla ako idea kung pano ang gagawin..

mas okay ung maiden name mo ung ilagay mo pero mali na binabago mo ung status mo kung wala pa naman kayong legal separation ng ex mo. technically married parin dapat para walang problema sa papers mo. as long as nasa bc ung name mo goods ka naman sa mat 2.

2y ago

thank you momshie🥰

Related Articles