FORMULA MILK

Hi momshie ano po magandang formula milk for NB baby? Bala lng po incase walang lumabas gatas sa dede ko, Or kung meron man ayaw dumede sa dede ko. THANK YOU PO

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello mommy, di pa po alam ni baby paano maperfect ang sucking nyan pero patience lang po thru you, mapapadede nyo rin po siya basta latch lang po talaga. Try nyo lang magpadede, hindi pa agad yan liquid na lalabas. Importante po makuha ni baby yung "colustrum" o unang gatas, malapot po yan at napaka transparent na akala nyo walang naidede si baby. Hangga't may output sya o pagdudumi/ihi, means meron po sya nadede sa iyo. Normal lang po kahit napadede/napalitan ng diaper nyo e iyak parin sya ng iyak kasi naninibago yan sa labas, nasanay yan sa ilang buwan nasa loob natin kaya nag-aadjust pa sya sa new environment nya. Sharing also my experience to you kasi walang kapantay ang gatas ng ina, umiyak na ako sa hospital kasi akala ko talaga wala. 5 days pa sa akin, sa bahay na kami doon pa tumulo yung gatas na makikita mo na talaga. Buti breastfeeding advocate yung hospital din kasi muntikan na ako sumuko, tyaga po talaga muna. Hindi talaga madali sa una pero worth it :)

Magbasa pa
Super Mum

Advice ko sis wag ka muna bumili ng formula milk kasi bawal din po yan sa ospital at ang mha hospital na breastfeeding advocate pipilitin ka din talaga nila na makapg breastfeed kaya wag mo muna isipin na hndi ka makapag dede. Think positive 😊

VIP Member

May gatas na lalabas dyan. Akala mo lang wala.. Maliit lang ang tyan ng newborn baby. Mabilis silang mabusog at magutom. Tiwala lang

May Lalabas Naman po gatas.. If ever man po gusto niyo dumede ng bote Di baby S26 or ask niyo muna po yung pedia para sigurado po

Sa hospital bawal talaga formula pero kung sa bahay na, maganda Enfamil or s-26

Salamat po sa lahat ng sumagot my guidelines nako ☺ Sorry po. FtM ksi hehee

Bawal po magdala ng formula milk sa hospital

4y ago

Yes.

VIP Member

Hip organic CS😊

VIP Member

Nan HW po