1 cm To 7-8 cm real quick

Hi momsh. Share ko lang birth story ko sa 3rd baby namin. January 3 pumunta ako kay midwife for check up sabi nya nung morning 1 cm pa lang daw ako pero yung pain ko kakaiba na madalas na contractions ko. Then nung di ko na kaya nung gabi 10 pm nagpunta na ko sa lying in 2 cm pa lang daw ako pero grabe na yung pain ko so umuwi muna kame ni hubby kasi feeling ko baka mainip lang kame dahil baka matagal pa labas ni baby mabuti na lang at hndi na sya pumasok. Pagka uwi namin mas lalong di ko kinaya yung pain parang matatae nako yung balakang ko parang naghihiwa hiwalay na kaya pagkabalik namin ng 2 am 7-8 cm na daw ako then dretso nko sa delivery room. Grabe yung pain ng contractions ko parang doble ng dalawang anak ko yung sakit,buti na lang nairaos ko. Super thankful ako sa mga midwife na tumulong saken kasi di pko umiire sobrang pagod nko at nanginginig sa hina. January 4, 2:49 am lumabas na ang bunso namin. Super sulit ang pain. Bait ni Lord. ?

1 cm To 7-8 cm real quick
34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats po..