Evening Primrose

Hi momsh. Nov 9 EDD ko. Oct 19 ang sched ng swab test ko . Kakagaling ko lang sa OB Nitong sept 30 tas pinababalik ako sa oct 15. Halos kada 2 weeks nandon nko. Sabi ng asawa ko parang pinagkakakitaan na daw ako. Balak ko kase wag na bumalik sa OB ko sa OCT 15, pede ba na ako na mismo ang bumili ng evening primrose ko kaht walang reseta ng OB? Nabasa ko kase na maganda yon inumin 1x a day pag 38 weeks na. Btw sabi naman skin ng OB ko ay pagle-labour-rin daw nya ako. Pede kaya na kaht sa center nako mag demand na iinom ako non, magpapaalam ako kaht sa midwife nalang kase sa center din ako magpapa swab test e. Salamat sa mga sasagot.

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Normal lang po ngayon manganganak ka na pabalik balik sa OB mamsh. Wag niyo isipan si Ob niyo na pagkakaperahan kayo, kase para sa inyo din naman yung check up na yun. 1st check up ko sa OB ko tinapat na niya ako na 8months to due date ko e 2x a month na niya ako papapuntahin sa kanya dahil yun na yung monitoring niya saken. Ganun din sa Lying in, 2x a month na dapat ako bumabalik sa kanya pero since may pandemic, ang nangyare samen once a month since 8months na tiyan ko ngayon at yung pang 2nd check ko for the month is tinatawagan niya ako via messenger, dun niya ako chinecheck. Mabait yung midwife ko at Ob ko saken. Kaya no worries ako at kampante ako sa kanila. ❣️ 2 clinic pinagchecheck up-an ko. Pero ngayon 1 na lang sa lying in na lang. 😊

Magbasa pa
4y ago

Share ko lang 😊✌🏻

buti pa kau momsh lagi kau pnbalik samantalang ako hndi no check up po ako itong October last check up ko nung september pero dapat Nung August dpt un kaso DHL sa McQ dli sila tmtnggp kaya ngng September Ang check up ko . pinabalik na ako ngyng NOV 2 Ang Edd ko NOV29 takot na di ko alm kng anong laki nya na po kng ano ggwin ko KC nga po wla po akong check up Ang last advise nya sa akin iwas Lang daw ako sa mattamis at more water Lang 32weeks na po ako ngyn.

Magbasa pa
VIP Member

Mommy every 2weeks po ang check up kapag malapit kanang magfullterm. 37weeks hanggang EDD naman, weekly visit na. Kung sa ob ka mismo manganganak, have regular check up parin and regarding pag-inum ng primerose better if ob mo mismo magreseta. Kung sa center naman, u should ask parin kung payagan ka.

Magbasa pa

momi ganyan naamn talaga kapg nalapit na ang kabuwanan mo sakin nga dati halos kada linggo pinabbalik ako ng ob ko with covid pa na time na un i have no choice kundi sundin po iyon...di po yan pagkkatiaan ng mga ob momi sakanila lang masafe kau ng baby mo...just saying lang po

every 2weeks po talaga ang balik, and kapag malapit ka na sa due date mo every week na, kasi minomonitor din yung heart beat ni baby. wag nyo pong sabihin na pinagkakakitaan kayo ng ob kasi kung tutuusin ang liit lang na bagay sa kanila yung binabayad naten.

ganun talaga moms 37weeks6 days here every week na dalaw ko. tapos naka pag swab test narin ako. sana manganak na ako kasi yong swab test 14 days lang ang validity. nag inom ako ng primsrose oil 3x a day pag patong ng 37 weeks.

Concern lang po si ob nyo momsh, normally every 2weeks nman tlga ang balik kapag malapit na manganak, minomotor kasi yung amniotic fluid pati si baby sa tummy nyo, mas mabuti po yung namomonitor kesa po pinapabayaan lang kayo

31 weeks na ako and 1 day. last check up is last october 2. pinababalik ako ni ob ko this october 16. ganyan po talaga yan para ma monitor kayo ni baby hindi po yan dahil pinag kakitaan kayo 😊

Ay grabe si hubby. Normal lamg po na every 2weeks ang check up mo mommy. Tapos magiging weekly na yan. Baka mas malala pa sasabihin ng hubby mo nyan. Explain mo nalang.

normal lang po na every two weeks ang balik nyo pag malapit na manganak . Minomonitor lang po kayo ng ob nyo at ang baby para po safe kyo pareho mommy