Career Or Family

Hello momsh! Gusto kong ma-enlighten kung tama lang ba desisyon ko. 1 year na kasi akong walang work tapos last March lang na-hired na ako at for medical na sana para makapirma ng JO. Kaso po hindi ko po tinuloy kahit na gusto ko ng mag work at makatulong sa LIP ko. Sensitive po kasi pregnancy ko kaso naiisip ko po ang future. Ngayon po since di na ako tumuloy sa JO, sobrang nanghihinayang ako kasi ideal job siya for me. Di ko na po need mag-byahe mula Bulacan hanggang Manila kasi dito lang siya sa Bul. Tapos okay pa ang offer. Pinaalam ko din sa company na preggy ako okay naman sa kanila. Oct ko pa kasi inapplyan, March lang po ako natawagan. Ngayon po fallout na ako sa company. Ayoko naman din po i-risk pagbubuntis ko kasi baka makunan ako, 1st baby pa naman po. Tama lang po ba na mas pinili kong hindi tumuloy sa pagtatrabaho para sa kapakanan ng magiging anak ko? Kung kayo pa nasa sitwasyon ko, anong gagawin o pipiliin niyo?

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

best decision mommy. 😊 kung ako sayo, yan din ang gagawin ko. pag nagkawork ka then nay nangyaring di maganda sa pinagbubuntis mo, maibabalik ba ng company si baby? hindi na. pero ang magandang trabaho or ideal job for you, marami pang darating jan. hindi lang talaga para sayo yang trabaho na yan. prioritize your family mommy. wala ng mas mahalaga sa kanila. pag malaki na si baby mo, makakahanap ka ng work na much better pa. Everything has a reason mommy. 😊🤗

Magbasa pa
6y ago

Thank you po! Naliwanagan ako kahit papaano. Kasi po naiisip ko baka pinapahirapan ko din LIP ko kaya gusto ko din makatulong. Siguro nga po hindi para sa akin yung work na yun. 🙂

Super Mum

For me tama po ang desisyon nyo mommy. Kasi sa work ma stress ka at pagod ka which is not good sa buntis. Be patience lang mommy, after ilang months pag ready kna bmalik sa work, give yourself a try 😊

for me si baby talaga.kung ganyan ako high risk magbuntis,ayoko isugal ang life nya.best decision ang ginawa mo sis.ang trabaho, anytime pwede ka mag.apply ulit at maghanap sa iba.

yes po. makakahanap ka pa po ulit ng work.. c baby, buhay nya nakataya..

6y ago

Thank you po!

wise decision po concentrate mo na kay baby 😊 Godbless

6y ago

Thank you po! 🙂