HURT, ALONE, HOPELESS.

Hello momsh, comfort niyo naman ako, sobrang nalulungkot ako dahil sa asawa ko, since simula nung nagbubuntis 1 month to 7 months hindi man lang ako maalagaan nang asawa ko, hindi siya nagkakaroon nang oras o, leave man sa work niya, ramdam ko sis na mas prioritize nya yung work niya, kaysa sa alagaan niya ako, nung isang beses nagkaroon siya ng leave for one day kaso hindi man lang niya ginugul yun oras niya saakin, Kundi umatin pa nang live concert. Kung baga pakasaya lang parang walang iniintindi . . ?, but i still choose to be quiet kahit sobrang sakit na. . may sama na talaga ako nang loob sa asawa ko simula nang kasagsagan ko nang unang buwan hanggang ngayon. Minsan gusto ko na lang manahimik nang matagal . . hanggang sa mag decide na lang ako na iwan ko siya then I'll raise my baby alone, sakit lang sa loob momshie. ??, yung inaasahan mong magaalaga at mag susuport sayo, wala sa tabi mo. i want to end this kind of feelings. ??

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Momsh naiintindihan po kita. Pero mas okay kung pagusapan nyo yan ng Mister mo mas okay kung open kayo at malaman mo side nya.. Kesa yung silent treatment tapos mawawala ka bigla di nya maiintindihan yun lalo lang magkakaconflict. Baka di kasi nya alam nararamdaman mo kaya ganon mas okay kung ma sabi mo saloobin mo at nararamdaman mo lalo na buntis ka. Ganuan din ako sa Hubby ko simula ng nabuntis ako puro iniisip nya gusto nya kumita naka bed rest kasi sya sumemplang sa motor, nag business kami tapos nung nag back to work wala na syang time sakin weekend off nya lagi nasa inuman or rides sa motor. Kinausap ko sya na gusto ko ng pagaalaga nya at maasikaso nya ko kasi buntis ako at need ko sya kasi buntis ako gusto ko lagi sya kasama mafeel ko man na may kasama ko di ako nalulungkot bawal ako mastress kasi buntis ako. Normal sa buntis mafeel alone sila. Sabi nya di nya alam na ganon na pala nararamdaman ko at puro work iniisip din nya kasi gusto nya mabili lahat ng need ko at ni Baby namin. Pinapayagan ko sya sa mga lakad nya pero hindi palagi, need ko din assistance nya, everyday ako lang palagi magisa kaya sana da off nya makasama ko man lang sya para pag need ko sya magabayan nya ko. Di kasi madali din sa kanila na from sanay silang time lang na single sila noon biglang isang araw di lang sarili nila inaasikaso nila biglang may anak at asawa na sila. Parang tayo din di madali satin na biglang magkakaanak na tayo daming changes sa body natin at pati si Mister at anak aasikasuhin natin kaya nagkakaron ng depression pagkapanganak or habang buntis. Mas okay maging open kayo sa isa't isa at masabi mo sa kanya ng masinsinan ano nararamdaman mo para magkaintindihan. Wag agad mag give up Momshie partner kayo sa buhay. Minsan need din na tayo ang maglead sa family kasi mas maaga nagma matured ang babae kesa sa lalaki. Goodluck Momsh yun lang ma aadvice ko decision mo pa din ang masusunod 😊

Magbasa pa

First, pray. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo then the second most important thing is to talk to your husband, he is the first person that needs to hear what you have to say. Open mo sknya yung nararamdaman mo at wag ka magtaas ng boses or magalit agad. Baka kasi akala nya okay lang at baka gusto nya na magtrabaho ng magtrabaho para sa baby nyo, ayaw nya magabsent or baka gusto nya marpromote at nung nagday off siya at pumunta sa concert eh para mag unwind. Kausapin mo nalang muna siya.

Magbasa pa