Naguluhan ..
Hi momsh, ask kolang kung posible bang magkamali ang ultrasound. Last june 5months tummy ko Girl daw baby ko pero ang sabi ng karamihan lalaki daw baby ko. Alin ba paniwalaan ko?? Bibili sana ako mga gamit ni baby ngayon.
Sa ultrasound po kayo maniwala๐ ๐ ๐ ๐ hndi naman nakikita sa katangian ng nanay or itsura ng tyan kung ano gender....may iba nag kakamali kase hndi pa ganun ka mature yung sex ni baby....if gusto mo na bumili ng gamit kase nakaka excite...mga whites lang muna or pag unisex...if gusto nyo naman talga maka sure pag 7 or 8 mons ka magpa gender reveal via ultrasound wag sa mga tao na naniniwala sa pamahiin baka lalo ka mahirapan at ma frustratr ka lang....ako nun 5mons kita agad gender nagpa second opinion ako nung 7mons nako and confirm boy talga..may kakilala naman ako 5mons boy daw pero nung lumabas girl naman๐ ๐
Magbasa pa'Yung ultrasound kasi depende kung gaano sila ka-sure sa gender ni baby. Minsan kasi wala lang silang makitang lawit, baby girl na agad. Depende din sa posisyon ni baby during the process. Pero kung sinabi naman na 100% sure baby girl, then baby girl. Nangyari na kasi sa'kin 'yan sa first born ko, baby girl daw kasi walang makitang lawit. Naniwala naman kami, so 'yung mga nabili naming gamit puro pink. Nung paglabas na ni baby, aruy, may lawit! ๐คฃ Pero sabi sa'kin nun ni Mama, mukha naman daw lalake 'yung baby ko dahil sa shape ng tummy ko. So ayun, tumama naman sya. Pero syempre, ultrasound ka pa din. ๐
Magbasa paAqoh nga , 4 months pa tummy qoh nag pa ultrasound na ako, at sabi naman nang Ob qoh na , posible boy daw yung bby qoh kasi my tumutubo na daw kaunti xa my gEnder part niya, at sabi niya confirm namin uLit , pag Ultra sound 5-6months ...then this month nag pa Ultrasound uLit aqoh, 7months na tummy qoh at yon na nga confirm Bby boy talaga.. So momshie xa Ultrasound ka dapat maniwala di xa sabi2 nang iba..
Magbasa pasame here lagi nila sinasabi lalaki daw magiging anak ko.. nagpa ultra sound ako nung 4months palang ako, 90%girl, natuwa naman ako kasi girl gusto ng magulang namin ni bf, hagard daw kasi kaya lalaki daw anak ako kaya unsatisfied ako nag pa ultra sound ako 8months baby girl talaga.. kaya namili na ko ng gamit.. sis sa ultra sound ka maniwala ๐
Magbasa paakin po baby boy , every month ang utz ko because minomonitor yung pag laki nya , 4 times confirmsd boy kaso sa ofc lagi snsbi babae kasi pabilog daw tiyan ko at hindi daw po nangingitim batok ko, also hindi daw po ako muka haggard pero hindi pa din ako ninaniwala lagi kasi naka bukaka si baby pag ng uultrasound eh so confirmed na boy tlga
Magbasa paSa ultrasound ka maniwala mamsh hehe wag sa sabi sabi lang. Ako nga sa ultrasound lalaki pero di ako na haggard, nangitim batok, at pabilog tyan ko di patulis haha kaya hula ng lahat babae kasi mas nag blooming ako pro mas pinaniwalaan ko ultrasound. And now 1mon and 22days old na baby boy ko ๐๐
Sa 1st baby ko nung nagbubuntis aq grabe ang itim ng kilikili ko at leeg tapos napagkamalan nila na lalaki..pero sa ultrasound girl at nung pinanganak ko din girl nmn..tapos ngaun sa 2nd na pinagbubuntis ko ind nangingitim kilikili ko at leeg ko pero babae ulit..iba iba tlg ang pagbubuntis momsh
Ganyan din sakin. Baby boy akin pero daming naghinala na girl, even my friends akala nila girl. Hehehe hindi rin kasi totoo yung kapag boynanginhitim ang singit, kili-kili at leeg. Depende talaga yung sa hormones. Pero sa ultrasound baby boy. May lawit e. ๐ Ultraaound paniwalaan mo mamsh.
Magbasa paSame, 2ng ultrasound ko girl ang sabi, pero malikot si baby kaya hindi clear na nakita tapos lahat ng makakita sakin sinasabi na boy ang baby ko. Ang nabili kong gamit puro pang girl na, kaya come what may paglabas ni baby, ibebenta ko na lang un mga gamit niya in case na boy pala. Hehe
Sabe ng karamihan?? Inultrasound ka rin ba nila at maniniwala ka sa kanila? Kung hindi ka naniniwala sa nag-ultrasound sayo, magpasecond opinion ka sa ibang OB. Ultrasound is the most reliable when it comes to gender ni baby dahil nasisilip nila ang body parts dun.
Household goddess of 1 rambunctious magician