momsh always remember na si God ang kasama natin lagi lalo na pag nag labor tayo ? kakapanganak ko lng nung 17, puro ako pray sa knya that time, as in kc nung 16 ng gabi nag start nako mag labor sa sobrang frustrated ko sa pain sinabi ko tlga na kung pwede isang sakitan nalng para makaraos nako, then wala pang 30mins wish granted!
around 12am 5cm to 1am nag 9cm nako real quick! ? so ayon grabe na iniyak ko kc nga nasa bed ako di ko na tlga kaya yong pain kc kusa ng umiire yong katawan ko kahit anong pigil ko, kaya pag IE sakin na 9cm nko di pa daw ako pwd umire kc kailangan 10cm bago ako ipa ire, nako wala pang 5mins umiire na tlga katawan ko as in wla nko lakas para umire pero yong katawan ko nag kukusa na kaya ayon nagulat yong nurse imbis na antayin pa yong midwife para ma inform na 9cm nko biglang pumutok panubigan ko kasunod nun naka labas na ulo ng baby kaya after 5mins lumabas na si baby ?
pero akala ko naka raos nako di pa pala, nawasak daw kc placenta ko kaya after lumabas kay baby konti lng yong placenta sumonod, yong umbilical cord ni baby andon pa sa loob tpos may tira pang amniotic fluid pang natira, naka attach pa daw kasi yong inunan sa loob mahirap kunin kc makapit siya sa loob, binugbog pa yong puson ko pati dinudukot pa nila sa pwerta ko kaya doble ang sakit, kaya kahit di kmi kasal ng asawa ko pinapapasok siya para ma explain na kung di matatanggal yong inunan posible daw ako isugod sa ospital at hiwaan para matanggal kasi kung hindi mamamatay daw ako, kaso nung narinig ko yon di ko kinausap asawa ko instead nag pray ako kay God ❤️ then after ko magpray naramdaman ko na biglang may lumabas sa pwerta ko kaya nagulat yong midwife kc biglang natanggal yong inunan na wlang kahirap hirap laking pasasalamat ko sa panginoon ❤️
Grabe mag labor mga babae tlaga nmang nasa hukay ang kalahati ng katawan ng babae. Kaya kung may mangyari man na kung ano sa buhay niyo always pray to God makikinig siya ??? Nothing is IMPOSSIBLE WITH GOD ❤️
Charlene