26weeks with UTI

Moms sino dito nkaranas mag UTI during their pregnancy? per my lab test my UTI dw ako pero di nman sakot iihi taz marami din nman akong naiihi.. the Doc gave me cefuroxime 500mg, ok lng ba di ko ito itake?natatakot ako uminom ng mga gamot eh.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagka UTI ako nung 1st tri.. Di rin ako nka ramdam ng sakit sa pag ihi, sumasakit lang ung puson ko non kaya nagpa urinalysis ako.. Pinainom dn ako niyan, 3x a day for 1 week. After 1week meron pa dn pero pinastop na sakin ang inom. More water lang ako then pinag urine culture ako kung totoong my uti nga daw ako pero sa result negative naman kaya di na nia ako pinainom ng gamot. Pinilit ko tlaga na mag water ng water para di na ako mkainom gamot. Hirap dn kase ako uminom gamot lalo na antiobiotic. Di ko naman pedeng itigil kase baka lalong lumala ung uti ko.. More water ka lang, buko juice or water woth lemon pede dn :) Saka sa panahon ngayon kelangan ng madaming tubig sa katawan sa sobrang init.

Magbasa pa
5y ago

Cge momsh. Salamat sa info

Ganyan din ako mommy nung preggy ako sa bunso ko. Sobrang sakit ng balakang ko na halos hindi na ko makatayo. Then yung PUS cells ko is TNTC (too numerous to count) based sa urinalysis ko. Nag antibiotics din ako as per my OB saka pain reliever din kasi hindi ko na kaya yung sakit. Ayoko sana uminom ng gamot gusto ko water therapy na lang, but my OB explained na pag may UTI ka pwede mahawa si baby or magkaroon sya ng sakit or it can lead to preterm labor. So ayun uminom din ako ng gamot and after a week, ok na urine test ko. Then si baby Thanks God kasi healthy sya lumabas.

Magbasa pa

May UTI din ako ngayon at yan din prescribed ni OB sa akin. Took it for 1 week and twice a day. After a week I had repeat urinalysis and sobrang bumaba bacteria ko kasi sobrang taas din ng bacteria ko nung unang urinalysis ko. Ngayon stop na ako sa cefuroxime. More fluids nalang and part of my routine now is at least 1 fresh buko juice a day. Okay na ihi ko. Repeat urinalysis next week again :) you have to cure it momsh kasi infection can be a cause for miscarriage. I also stopped using pantyliner and tissue advice sa akin ng sis in law ko. Kaya natin 'to! :)

Magbasa pa

Take the prescribed antibiotics po. Nung buntis ako nun, nagkaron din ako uti then uminom ng antibiotic nagrepeat urine ako bumaba n sya then sabi ko kay OB kung pwede water therapy nlng ako, pumayag nmn sya. But nung nanganak ako, di sya nawala or parang bumalik uti ko kaya naapektuhan si baby, nagkasepsis sya, tumagal sya sa NICU ng 2weeks. Kaya mommies, careful tayo pag buntis, lalo n pag may need gamutin, gamutin n while maaga pa kesa maapektuhan si baby.

Magbasa pa

okay lang yan mommy Wala mangyayari masama Kay baby mo ganyan din tinake ko nung nagka UTI ako Healthy so baby ko ng Lumabas. Mas makakasama siguro Kay baby kung Hindi mo gagamutin Ang UTI mo. 7mos Or 8mos yata ako nagka UTI nung preggy ako sa panganay ko at ganyan din yung gamot ko Ang Mahal pa naman nyan.

Magbasa pa

ako dn po nag kaUTI dn pinag antibiotics after taking meds repeat urine ayun po nawala na bacteria saka more fluid intake.. every hour ako nainom tubig madami para sure na ok na si baby.. no more salty and sweets nd specially softdrinks tiis ganda muna..

Momsh, nagka UTI ako, nung first trimester, sundin nyo, nalang po yung OB, nyo pag hindi po kasi nagamot yang UTI maari pag lumala yan., Or worst pwede daw maging premature ang baby. Yun sabi, nang ob ko. Yan rin po yung nererseta sakin.

Ako sis nung 3months baby ko sa tummy sbi ng o.b ko my UTI daw niresitahan din ako 7days ko ininom un 2times aday pag niresita nman ng doc. Mo safe yan kse hd ka namn nila bigyan nyan kng mkakasma sa baby pra rin nman sa baby mo yan

Ako sis 12 weeks nagka uti ako, pinag antibiotics din ako, pero diko inubos lahat, nandito Kasi saking isip Ang takot, after 1 week bumalik ako para sa repeat urine, ayun mababa na Ang WBC ko. More water and buko juice ako

Bsta nireseta ng OB safe po yan. Niresetahan din ako before ng antibiotic gumaling naman UTI ko. Need yan gamutin kasi pati si baby ma-iinfect kapag pinabayaan.