CS Mommies
Hi Moms! Sa mga kapwa ko na CS po, gaano katagal naging healing nung sugat niyo? And kailan kayo naligo after operation? Thank you :)
after 10 days po ako naligo nun simula ng makauwi kame sa haus tas gumamit papo ako ng nilagang pitong dahon nun hinalo sa tubig kong pampaligo iwas binat dw sabe ng mudra ko puro CS ako sa mga anak ko pati dto sa dala dala ko now 32weeks here 🙂tapos po nung mejo okay okay nako nagpahilot ako ng balakang ko para bumalik dati kong katawan .. yung talagang manghihilot po huh hindi kung sino sino lang po ☺ sa healing naman ng sugat matagal po yan kahit po kala naten okay na sa balat naten sariwang sariwa pa den po sa loob yan kaya ingat sa pag bubuhat ngabibigat baka bumuka
Magbasa pa1 month medyo ok na ang sugat sa labas but careful parin sis kasi sabi nang ob ko 3 months nag start palng ma melt yung hilo nang tahi sa loob then may nabasa ako na sa 2nd pregnancy nakita sa ultrasound na may na open na tahi sa loob 2 yrs ago na yun CS niya iwasan mag karga nang mabibigat .Ika 4th day after cs nka ligu nako waterproof namn yung cover sa tahi ko basta wag lng mag tagal muna sa tubig.
Magbasa pahi sis, ung sugat sa labas na tahi 1 month lang magaling na un, ung sa loob years pa aabutin nun so tiis lng wag magpapapagod or magbubuhat. pwede kang mabinat. tpos inum ka ng pineapple juice ung pure, ganun gnawa ko para mabilis magheal ung sugat sa loob, 2-3yo c baby okay na ako, 4yo na ung panganay ko ngaun may baby na ulit ako manganganak nko next nexxt week 😊 tpos 2weeks bago maligo sbe ni OB. 😊
Magbasa payes sis. repeat cs ako sa sept 12 :)
1 week po aftermanganak pwde na maligo yan ang ssbhn ng ob sayo. . Ung heal sa labas madali lang, 2 weeks ok ok na skn. Ung sa loob ang matagal kaya iwas lang sa buhat mabibigat. Wag mo ibaby katawan mo para mabilis gumaling. Ako paguwe ko from hospital naglalakad lakad nko at linis mga gamit n baby like hugas bote. Mabilis ako nkarecover...
Magbasa paAfter a week mommy, tuyo na po yung tahi ko sa labas. Bumalik po ko a week after kong ma CS kay OB for postpartum check up and binigyan nya na ko permission na basain na ang mismong tahi. Naligo na ako pagkadischarge ko sa hospital. Nilagyan lang po ng Tegaderm yung tahi ko para di mabasa.
Kahit 3rd day pinapaligo na ko ni doc, I made it 2 weeks, pero syempre ung private part pababa sa paa wash wash din agad para fresh 🤣. Sabi 2 months to be safe ung healing ng sugat kase kahit healed na ung sa labas, ung loob na part at stitches ung matagal mag heal
After lumabas sa ospital pinapaligo na ako ni Ob pero di ako naligo. 😂 (Takot mabinat) So after 10 days pa talaga ako naligo mommy. Pwede naman na daw dapat ako maligo nun after lumabas sa hospital kasi water proof yung nilagay nya sa sugat.
ako almost 2 weeks pa bago nakaligo kasi pinahilot din ako para iwas binat din daw. 😊 ingat lang sa pagkilos para d bumuka ang sugat. magsuot ka po ng binder. 😊 inom ka din ng pineapple juice para daw mabilis magheal anh sugat sa loob.
8 weeks nakakapag workout na ako comfortably. As to ligo, pwede naman maligo anytime pero ako hinintay ko yung dahon ng bayabas. So mga 1 week din ako hindi naligo. Pero nagwawash ako ng you know and nagpupunas ng katawan
Hello, Mamsh! Pinapaligo ako agad nun ng OB ko after ko madischarge sa hospital dahil nga sa covid para safe at malinis pag uwi sa bahay. Pero naghilamos lang ako. After one week dun pa lang ako naligo. 😊