flat head
hello moms! meron po ba sa inyo na naovercome ni baby ang flat head nya?! paano nyo po na nagawan ng paraan na maiayos ung flat head ni baby. nag woworry po kase ako.may chance pa po ba na maibalik.. flat po kase ung likod ng head nya.5months na po si baby. lagi ko pong hinihimas ung head nya pero flat pa din.sana may makapansin sa post ko..salamat po sa magbibigay ng tips!
Yung 1st baby ko hindi sya na flat head. Nagpapagamit pa kami ng newborn contouring pillow. Kasi daddy nya flat yung right head. Sabi kasi kapag flat din yung hinihigaan or matigas nagiging flat din yung head ng baby. Try mo hanap ng pillow sis. Para ma side to side nya yung head nya.
Same with my lo!flat head din sya sa right side kapag binabaling naman sa kabilang side head nya para syang naiirita lus lagi rin sya nakalingon lang sa isang side! Minsan naman sya mismo.nagbabaling ng head nya kaya lang talaga flat na pano.po ba yung diy na duyan?
Hello! Sobrang uneven head anak ko nung baby kasi he slept 1 side lang! Yes nagagawan ng paraan habang baby pa sila, pilit change lang head position per nap! Bumalik at maganda hugis ng son ko now :)
Yung anak ko ganyan matigas ulo kahit iharap namin sa kaliwa't kanan talagang hinihiga nya ulo nya. Try mo syang iduywn gamit ang kumot. Yung diy na duyan na kumot bibilog yan.
Yes po sis parang ganito yung style.
wag niyo po siya Lagyan ng unan pag natutulog mommy para magalaw galaw niya po ulo niya. my lo is 3months old this coming July 2 at bilog napo ulo niya
Recommended na mag tummy time po atleast 30 mins per day para po mawala yung pressure sa skull ni baby pag nakahiga sya. Makakatulong po yun
Baby ko dati wala naman kami ginawa or kahit himas sabi kc ng pedia kusa bibilog ang head. So ayun bilog na bilog naman ulo nya now
wag po lagyan ng unan npansin ko po ksi si lo ko nung nagstart mag unan n png babu napa flat yung likod d ksi mkagalaw
pag po nag flat head hirap na ibalik sa dati. dapat sinapulan nyo po ng paside side sya di laging nakatihaya...
Paside po minsan ang tulog mamsh pav alam mong medyo matagal na syang nakahiga sa isang side yung kabila naman
Mum of 1 adventurous superhero