137 Replies

Easy to say pero admit it, ang hirap. Hahaha tanga na kung tanga, tanga naman talaga. Pero pag talaga mahal mo yung tao, kahit mali na, toxic na, bubulagin ka talaga ng pagmamahal mo sakanya. Papatawarin at tatanggapin mo pa din sya ng paulit ulit kahit paulit ulit ng isinampal sayo na kapalit palit ka, masaya sya sa ginagawa nya sayo, na okay lang sakanya na masaktan ka kasi alam nyang tatanggapin mo pa rin sya. Pero dadating ka parin sa punto na marerealize mo yung worth mo. At hindi mo deserve to. Ganon! Tas makakayanan mo ng ilet go sya ng walang pag aalinlangan. Pero sana pag dating ng araw na yun hindi pa huli para sayo ang lahat. I mean, hindi ka pa ubos at wala ka pa dun sa sitwasyon na pagsisisihan mong umabot pa kayo sa ganong pangyayare knowing na babaero jowa mo. Hahahahaha take it from me, nakakatangina! Mapapasabi ka sa sarili mo na bakit ko ba nagawa to sa sarili ko.

VIP Member

oo! kung paulit ulit, mahirap OO! pero ayoko namang tumagal at lumaki yung anak ko na nakikita nyang ganyan sakin ang ama nya! just like my friend, yung jowa nya napakamanloloko biroin mo! tatlo silang binuntis and sobrang nag alala ko sa friend ko. Sobrang na down sya like gusto nyang ipalaglag yung anak nya, buti na lang napigilan ko neto lang yang senaryo na yan! BAHALA NA ANG KARMA SA JOWA NYA! 🙄🙄 kaya ako pag ganyan! AY!!! TAMA NA GHORL! KAHIT MAHIRAP KAKAYANIN KONG BUHAYIN YUNG ANAK KO AT IPAINTINDI SAKANYA KUNG BAKET. 😊😇

Yes, definitely! In the first place kung talagang mahal kannya at nirerespeto di sya hahanap ng ikakasira nyong dalawa. Deserve natin yung totoong pagmamahal and vise versa. Kung di nya kayang maging tapat sakin, ibig sabihin nun di nya ako ganun kamahal para talikuran yung mga tukso na nasa harap nya. Kung yung bata yung ihaharang nya para di mo sya iwan - "di kita tatanggalan at di ko tatanggalan ng karapatan ang anak ko sa ama nya". Pero mamikipaghiwalay ako no matter what. Niloko mo ko, dyan ka sa babae mo.

oo. ang lalaking walang respeto,ay lalaking walang pagmamahal sayo. ang paulit ulit na pagkakamali,hindi yun nangyari dahil sa nagkamali lang.nangyari yun dahil ginusto niya yun. mali yung sabihin na nanghihinayang,isasagip ang relasyon para sa pamilya... hindi laging masasagip. hindi lagi kasagip sagip. minsan ang paraan para masagip ang sarili ,ay ang mag let go.

Tatanungin ko muna siya kung hindi na ba siya masaya sa akin, kapag hindi na palalayain ko na. Mahirap yung mahal niyo lang isat isa dapat masaya dn kayo at may tiwala pa. Dipende naman kung mag asawa na kayo, wala ng magagawa kundi hintayin na lang na magbago siya. Kung di naman kayo kasal, Kaya pang palayain na lang pero dapat pag isipan ding mabuti.

Lagi ko sinasabi sa asawa ko " ikaw kung hahanap ka ng iba wala akong magagawa, pero tandaan mo ha ako hindi mawawalan may anak na ako at siya na lang mamahalin ko wala na akong paki sa iba ,kung maghahanap ka ng iba hanap ka din ng bago mong anak". Ayun lagi natatakot haha

VIP Member

Once is enough. Twice is too much. Sabi nga ni Angelica Panganiban sa movie niya "pero yung paulit-ulit may sakit kana" kung ako hihiwalayan ko na. di bale na walang ama si baby kesa naman buo pero magulo din pamilya. Dapat mas mahal natin anak natin kesa sa asawa. 💕

oo. ang hirap mag palaki at mag alaga ng anak. samanatalang yung katuwang mo sana sa mga bagay na yon ay lumalandi pa. imbis gumaan sana mga bagay bagay eh nadagdagan pa poproblemahin mo. i dont think mga ganung asawa ay hindicna kailangan pag aksayahan ng panahon.

Pakawalan mo kung para sayo babalik Yan. Sa panahon ngayon Hindi na uso paranoid sa jowa o asawa. Mag let go ka para mas mapahalagahan mo sarili mo at puso mo. Dahil ang babaero at ibat ibang babae tinitikman immune na Yan. Magtitino lang Yan kapag nawalan.

Ofcourse!! Mamsh wag tanga okay. pag niloko kana once then that's enough to finish your relationships with him. wag mo nang hayaang pumangalawa pa. Ika nga once a cheater always a cheater. yan ang mga lalaki tandaan mo yan!!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles