Placenta Previa
Hi moms, ask lang po sa mga nkaexperience ng placenta previa. I'm 21 weeks pregnant and sabi ng OB ko placenta previa daw ako. Kaya ngbibleeding din ako. Pero pwede pa daw syang tumaas. Ano po kaya ang pwedeng gawin para tumaas sya? First time mom here and medyo nagworry lang. Thank you sa sasagot.

At 17 weeks sis placenta previa ako, moderate bleeding pa ko di lang spotting at nagpreterm contractions pa. Strict bed rest talaga ako. Sa bed ako kumakain. Nakakatayo lang ako para magCR pero tabi lang ng kwarto namin ang CR. Higa lang ako most of the time. May unan sa paa. Di ko carry yung sa balakang kasi nakakangalay din pag matagal. 1 month ko ginawa yun kahit wala ng active bleeding at contractions dahil natatakot ako na maglabor ako, di pa mabubuhay ang baby ko dahil sobrang premature pa. Awa ng diyos after 1 month mataas na yung placenta ko, di na rin naulit yung bleeding ko.
Magbasa pa
Got a bun in the oven