Muntik na ba kayong maghiwalay ni mister?

Moms! Ano ang naging major breakup niyo ni hubby at paano niyo ito na-solve?

Muntik na ba kayong maghiwalay ni mister?
19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nagwwork sya nun 7months palang kami mag bf gf nun then nagkaron sya ng work as sa fastfood kasama pinsan nya. Then ako as a student kasi mas ahead sya saakin ng 8years, nagaaral ako at the same time nagpart time na din ako sa tita ko para parehas kaming may source of income. Everytime naman na uuwi kami sabay kami pero lagi nyako pinapahintay sa place ng work ko which is sa place ng tita ko, di nyako pinapayagan na ako ang maghintay sa kanya sa lugar ng work nya which is sige ok lang saakin then palagi kami sa bahay na nya natuloy kasi medyo live in na din kami nun kabilang bahay lang kasi yung saamin at pag ginagabi ako sa kaniya nako tumutuloy. Then one time dayoff nya, sa bahay ako tumuloy nun kasi may ginawa akong school work pumunta ako sa kanya pero di nyako pinapasok I know there's something sabi nya kapatid pang daw nya at gf nun then ok pero nagtataka ako nakakapasok sya pero ako di nyako pinapapasok sa bahay nya dun lang kami sa bakuran eh sakto nagoncall ako sa tita ko kasi kulang ng employee kaya no choice kundi pumasok ako sa work then sya nakaday off yun pala yung araw na yung babae nya inuwi nya dun kaya pala may speaker pa na tumutugtog then di ko nalaman pinagsawalang bahala ko lahat lahat tapos pinapunta sila sa dau para dun sila madestino nag paalam sya saakin edi pinayagan ko kasi para naman sa work nya yun e alam ko hirap niya gusto din nya tulungan mga kapatid nya at mother nya so di ako umalma basta maganda hangarin nya habang nandun sya ako din nagwwork sa aunt ko minsan dun nako natutulog sa workplace ko para safe sa gabi ang uwi then every night vc. Hindi ko hawak yung mga acc nya kasi privacy then nagulat ako iba na yung bio nya which is alam ko dating wala naman syang bio naging apilido na then sinearch ko yung surname turns out bio din ng girl yung surname nya. hindi ako nagcriticize pero maitim si gurl haha katrabaho pala nya then I did nothing dumating yung time na chinat ako nung girl nagtatanong kung kilala ko daw ba si ganito ganyan and I said that he is my boyfriend then parang sinasabi pa nyang hiwalayan kuno si bf ko which is partial live in partner then I said na kung totoong mahal sya ni bf ko sana nakipaghiwalay saakin, may kumpiyansa kasi ako na ganito ganyan kasi kilalang kilala ko na bf ko pag may nilalanding iba either may kailangan or may utang na loob sya sa tao ganun which is napakatoxic. Then a week after nun pumunta ako sa bf ko sa dau nagulat sya natunton ko yung place nya which is nakatracking device yung bag nya na ginamit kasi bag ko yunπŸ˜‚ I went there at sinakto kong dayoff daw nya so pumunta ako dun nagulat sya sa tinutuluyan nya nandun nako nakita ako ng mga kawork nya then pinakilala ko sarili ko tapos maya maya nandun si ate girl nagdala ng lunch for them sabi daw ng boss nila then I introduced myself to her nagulat sya, ewan ko bakit then hinatak sya ng bf ko kala mo movie noπŸ˜‚ nagusap sila at ako sumunod sabi ko sa girl na sana bago sya makipag relasyon sa tao alam nya lahat even the background para sure na walang sabit. ayoko ng away pero binibigay nila then pinagalitan ko din bf ko nun sorry ng sorry saakin that day nagresign din sya at umuwi kami saamin para magusap panay pa din chat sa kanya nung girl then ako na kumuha ng last pay nya nun he was devastated that day and he promised na magbabago daw at first di ako naniwala pero unti unti naman hanggang sa umabit na nga kami ng 2years and now turning 3 naghigpit ako sa kanya sa lahat lahat, we're having a son this month and I'm sure na he's still in the process ng pagbabago dahil alam nyang kaya ko syang iwan at mawawalan sya ng karapatan sa anak nya once na magloko pa sya. ps di ko tinolerate yun binigyan ko lang ng 2nd chance kung magbabago talaga turns out nagbabago naman ang work nya ngayon sa trucking which is puro lalaki diretyo uwi na din sya palagi and kinuntsaba ko na lahat ng katrabaho nya para iwas panloloko

Magbasa pa
VIP Member

I worked in a BPO industry, people come & go πŸ˜… My now husband and I worked on the same company but his in a corporate department kc network engineer sya, We've been in the company for 5 years pero around 2017 q lang sya nakilala πŸ˜… to cut the long story short may bagong agent btw nasa offline team aq parang level 2 kineme ganern .. May team mates and friends says he always ask about me. Hindi q sya kilala that time πŸ˜‚ pero soon nag aapproach din sya saken alam mu ung mga da moves eh, ending selos si jowa so I resigned (mas malaki kc sahod ni jowa kaya aq nalang) charot haha sa ngalan ng pag ibig πŸ˜‚ and then we calmly talked, talked and talked to fix and set things up. Im glad that now Im married to my jowa and we have a bouncy baby boy. Yey πŸ₯³

Magbasa pa

Nung nahuli ko na naman c hubby na may communication pa rin sya dun sa malandi nyang ex (though that time wala namang anything na kalandian). He promised me kase before na iiwasan nya na yung ex nya. Ever since magjowa pa lang po kami, sya na talaga yung cause ng pag aaway namen lalo na po nung newlyweds pa lang kami (malandi talaga kahit alam nya na may asawa na yung hubby ko). Sabi ko last chance na nya, kapag umulit pa sya, wala na talaga. Malakas loob ko makipaghiwalay that time since wala pa kaming anak. Pero may kasamang warning, idadaan ko sya sa legal na paraan para pati yung lumalandi sa kanya makasuhan ko din. So after that, tumino naman sya until now.

Magbasa pa
3y ago

Buti nga ganun lang yung tanong.. Yung ex ng asawa ko may pagsend p ng pix.. No offense meant pero walang pinagkaiba yung likod saka dibdib eh.. πŸ˜‚

Yung ayaw na daw nya kasi di nya ako deserve ang bait ko daw kasi hahahaha may babae lang pala sya dami pa reasons πŸ˜’πŸ˜–πŸ€£ Hays ECQ kasi nun e di sya makauwe. e palagi naman kami magkavideo call nun. Bwisit hanggang ngayon di ko pa nakikilala naging babae nya. Bukas uuwe yun itatanong ko nga. 🀣jk Yun lang pinaka major kasi sya yung nagsabi na maghiwalay na kami. Alaws naman ako magagawa kung ayaw na nya di ko makokontrol nararamdaman nya kaya akala ko yun na ang end. Pero naging okay rin kami di ko alam kung paano. Basta ilang beses kaming nag iyakan nun e hahahaha.

Magbasa pa

sa ngayon na mag asawa na kami wala namn, kasi pag nag aaway kami, ayaw namin magbanggit nang hiwalayan isa kasi yun sa nakakasira nang pagmamahalan. cguro nung mag jowa palang kami nun, nagkahiwalay na kami 2 times, kasi yung kapatid nang step mom niya na kasama nila sa bahay, ay nilalandi sya parati at tinatakot na magpapakamatay kung di niya jowain πŸ˜…. pero ang ending kami pa rin naman nagkatuloyan..cguro kung di umepal ang babaeng yun, cguro wala kaming matinding hiwalayan.

Magbasa pa

nag away kami ng asawa ko ngayon at gusto ko nring mkipag hiwalay sa asawa ko dahil magaling lang siya pag ibang tao pero kpag samin ni baby laging tamad at lasenggero , kaso wala nman akong pera pra makpag sarili at wala rin ksi kming kamag anak na mlpit πŸ˜₯

iniwan ko agad nung pagkasabi nyang hindi daw nya anak to.. karmahin sana xa ng sobra sobra.. kung pwede lang pumatay ng tao siguro matagal na xang inuod

VIP Member

oo.. actually naghiwalay kame ng 3 months.. miscommunication magkaiba lahi so magkaiba sa maraming bagay kaya ayun asot pusa gang ngayun naman 🀣

1st year pa lang kami as married couple gusto ko na sya hiwalayan😁 kase ayaw tumigil sa paginom 😣😣 so far mejo nabawasan naman..

wala πŸ˜… never kami nag away ng asawa ko kahit nong mag gf/bf palang kami . nagkakatampuhan lang pero never nag away ..