Moms and dads, anu-ano ba ang mabubuting asal na dapat ituro natin sa ating mga anak?

una syempre tinuturo namin ay magkaron ng takot sa Diyos at maipakilala namin sa kanya ng maaga kung sino ba si Jesus. Maging magalang at may respeto, hindi lang sa matatanda ngunit sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. ang paggamit ng "po at opo" at pagmamano sa nakakatanda. maging bukas palad at handang tumulong lalo na sa mga nangangailangan, hangga't may maibibigay sya, materyal man o serbisyo ay wag syang magdalawang isip tumulong. masarap sa pakiramdam ang nakakarinig ng "Thank you/ Salamat". maging masipag at madiskarte sa buhay, dahil hindi lahat ng bagay ay kayang ibigay at gawin ng magulang. mas maigi din na kahit bata pa ay namulat na sa mga gawain para hindi sila mahirapan pagdating ng araw na sila ay kailangan ng magsarili. pagdadasal, magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natanggap, kaligtasan at sa buong araw na lumipas, maganda man ang nangyari sa araw mo o hindi, dapat mo itong ipagpasalamat.. at wag kalilimutang mahsabi ng "SALAMAT" sa mga taong nakatulong sayo, maliit man o malaki, binayaran mo man o hindi, magpasalamat pa din.. pahingi ng tawad o pagpapakumbaba, kahit hindi ikaw ang nagkamali mas mabuting ikaw na ang unang humingi ng dispensa para sa ikagagaan ng loob mo at ng hindi na lumaki pa ang alitan ..
Magbasa pa